Grab Riders, naiyak sa tuwa sa biyayang natanggap niya sa isang sikat na personality sa bansa.

Grab Riders, naiyak sa tuwa sa biyayang natanggap niya sa isang sikat na personality sa bansa.


Sa nagdaang taon ay marami ang nawalan ng trabaho at ikinabubuhay lalo na sa ilang buwan na lockdown ay mas lalong lumaganap ang kahirapan sa bansa. A

Anthony Taberna, pinangatawanan ang paratang na may ka-look alike raw na Korean actor.
Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.
Mahirap lang noon, pero artista na ngayon! Alamin ang mga dati nilang trabaho bago sumikat.

Sa nagdaang taon ay marami ang nawalan ng trabaho at ikinabubuhay lalo na sa ilang buwan na lockdown ay mas lalong lumaganap ang kahirapan sa bansa. Ang ilan ay piniling suungin ang panganib at nagsilbing food delivery riders upang kumita ng pera pangtustos sa pangangailangan ng pamilya.

 

Bagamat hindi madali, ay tinitiis ng mga ito ang init ng araw at ulan upang makapagtrabaho. Tunay na malaki ang naitulong nila sa atin sa panahon ng krisis. Kaya naman naisipan ni Dra. Vicky Belo na sila ang piliin upang mabigyan ng tulong.

Makikita din na mahal na mahal ang doktora ng maraming celebrities at personalidad sa bansa. Maliban sa masayahin at matulungin ito ay makikita rin na may pagmamalasakit ito sa iba. Kaya naman sa halip na sa mga kakilala lamang ito magbigay ng regalo ay napagdesisyunan ng doktora na magbigay ng munting handog sa isang ‘random stranger’ ngayong paparating ang pasko.

Sa inupload na vlog ng doktora ay ipinakita niya kung papaano nito nakumpleto ang pasko ng isang grab driver. Umorder ang doktora ng iba’t ibang pagkain sa naturang food delivery service at inabangan ang pagdating nito. Laking gulat na lamang ng rider na si Dra. Vicky ang humarap sa kanya. Sa halip na i-claim ng doktora ang order ay sinabi nitong para sa kanya ang lahat ng inorder nito. Nag abot din si Dra. Vicky ng karagdagan na P8,000 cash bilang pamasko.

Lubos naman ang pasasalamat ng rider at naiyak sa biyayang natanggap. Marami namang netizens ang nagbigay ng positibong komento sa kindness na ginawa ng doktora. Sa katunayan ay hindi lamang isa ang natulungan nito na food delivery rider sa araw na iyon.

Kilalang-kilala si Dra. Vicky Belo sa buong bansa bilang sikat na dermatologist. Marami ang nakasubaysaby sa bawat vlog nito na nagpapasilip sa bawat kabanata ng buhay nito. Ngunit hindi lamang ang success nito sa industriya ang nakakahanga, kundi pati na rin ang pamamaraan nito upang makatulong sa iba pa nating kababayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

COMMENTS