Teacher na Aeta, isang inspirasyong matapos maipasa ang LET sa ika 25 na beses na pagkuha nito. Ginawan din ng pelikula ang kwento niya!

Teacher na Aeta, isang inspirasyong matapos maipasa ang LET sa ika 25 na beses na pagkuha nito. Ginawan din ng pelikula ang kwento niya!


Maraming pelikula ang tiyak na kapupulutan ng aral patungkol sa patuloy na pagpupursige upang maabot ang mga pangarap. Subalit sadyang mas nakakainspi

Sa Mang Inasal ginanap ang wedding reception noon, doon din ang binyag ngayon.
Scene sa movie na “Crazy Rich Asians”, ginaya ng isang lalaki para magpropose sa kanyang girlfriend.
Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.

Maraming pelikula ang tiyak na kapupulutan ng aral patungkol sa patuloy na pagpupursige upang maabot ang mga pangarap. Subalit sadyang mas nakakainspire ang mga kwentong nagmula sa kapwa natin kababayan.

 

Isang guro na Aeta mula sa Tarlac ang nagpahanga sa marami nating kababayan. Ito ay dahil sa ipinakita nitong determinasyon na makapasa sa Licensure Examination for Teacher (LET). Siya ay si Ginang Gennie Victoria Panguelo, na sa kabila ng paulit-ulit na pagbagsak sa LET ay patuloy itong tumatayo ay sumusubok muli upang makuha ang kanyang lisensya sa pagtuturo.

 

Mula sa video na ibinahagi ni Dr. Willie Ong at Dr. Lisa sa Facebook, ay naibahagi din sa mga netizens ang kahanga-hangang kwento ng tagumpay ni teacher Gennie. Ika nga nito, “try and try until you succeed”.

Nakapagtapos ng pagaaral si Gng. Panguelo noong taong 1987 at agad namang umuwi ito sa kanilang bayan upang makapagtura sa kapwa nito Aeta. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa mahigpit ang gobyerno ukol sa pagkuha ng lisensya sa pagtuturo. Subalit sa mga nagdaang taon ay pahigpit ng pahigpit ang bilin sa pagkuha ng lisensya sa pagtuturo.

 

Taong 1990 naman ay nagdesisyon na si Gng. Panguelo na kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) upang magkaroon na ng lisensya, subalit hindi ito nakapasa. Patuloy naman ang panukala ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas ukol sa lisensya sa pagtuturo. Kaya naman ay kumuha ulit ng LET si Gng. Panguelo subalit hindi na naman ito pinalad. Sa taong 2010 ay nagbigay babala na ang Civil Service Commission (CSC) sa mga gurong hindi pa lisensyado.

Pagbabahagi ni Panguelo, “Sinasabi nila matanda ka na, ‘di ka na pumapasa. Ano ba ‘yan, maputi na ang buhok mo, ‘di ka pa rin nakapasa.”

 

Sa kabila ng pangungutya at insultong naririnig ni Gng. Panguelo ay hindi ito sumuko at pagpursigi pang kumuha muli ng LET. Ang LET ay isinasagawa dalawang beses sa isang taon. Sa katunayan, hindi lamang dalawa, tatlo o apat na beses sumubok na makapasa si Gng. Panguelo, kundi 25 na beses itong sumubok. Sa ika 25 nitong pagkuha ng pagsusulit, ay pinalad na makapasa si Gng. Panguelo sa March LET exam noong taong 2016.

Nagiwan naman ng mensahe si Ginang Panguelo para sa mga nangangarap maging guro at sa mga bumagsak sa LET.

“Sa mga kabataan na tulad kong naghangan na maging titulado, huwag po kayong manghinayang. Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad at pagtitiyaga.”

 

Sa ngayon ay tinatapos ni Ginang Panguelo ang kanyang Master’s Degree sa Teaching and Management. Mula sa Carl Balita Productions ay ginawang pelikula ang kwento ng tagumpay ni Ginang Gennie Panguelo at pinamagatang, “Maestra”.

COMMENTS