Kilalanin ang inspiring Pinay na nagpursige mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.

Kilalanin ang inspiring Pinay na nagpursige mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.


Para kay Winnie Talosig-Rebancos, isang pangyayari sa kanyang buhay ang tunay na nagtulak sa kaniya upang magpursige na mai-ahon ang pamilya sa kahira

Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.
Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.
Barkadang sabay-sabay gumala noon, sabay-sabay namang nagdadalang-tao ngayon.

Para kay Winnie Talosig-Rebancos, isang pangyayari sa kanyang buhay ang tunay na nagtulak sa kaniya upang magpursige na mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.

Isang araw sa kanyang paguwi mula sa ika-18 birthday celeberation nito, ay namataan niya ang kanilang landlord na may hawak na megaphone sa labas ng kanilang tinitirahan. “Magbayad na kayo ng upa niyo”, sigaw nito na dinig na dinig ng kanilang mga kapitbahay. Maliban doon ay nagtawag din ng barangay officials ang kanilang landlord.

Ayon sa panayam sa kaniya ng female network, “I felt ashamed.  It was not something that anyone would want to happen to her family. I would see my mom cry, I would see my father cry about it, but I was helpless.” Simula noon ay ipinangako ni Winnie sa kanyang sarili na hindi na niya hahayaang mangyari uli ito sa kanyang pamilya, “I promised myself and my parents that would never happen again after I finished my studies.”

 

Ayon kay Winnie ay hindi niya inakalang ganoon na lamang sila kahirap at namulat na lamang ito noong highschool siya. Wala umano silang TV, refrigerator at madalas na sardinas ang ulam nilang pamilya. Naging karaniwan na rin sa kanila ang walang kuryente at nagsisindi na lamang ng kandila sa gabi dahil hindi nila ito kayang bayaran. “My dad lost his job when I was in second-year-highschool, and my mom was just a seamstress,” saad ni Winnie.

Dahil sa kahirapan ay pinagpauna ng kanyang mga magulang ang pag-aaral ni Winnie. “Nakaka-konsensya, when I reached my third year in college, it was also my younger brother’s turn to go to college. Sabi ng father ko sa kapatid ko, ‘choose a school that has a lower tuition fee because we need to give way for your ate,” pagkukuwento ni Winnie.

 

Nagaral ng Computer Science sa St. Paul University Manila, si Winnie. Subalit naging malaking pagsubok sa kanya ang hindi pagkakaroon ng computer at mga libro. Kaya naman ay kinailangan ni Winnie idaan sa diskarte at doblehin ang pagsisikap upang makapasa. Pagbabahagi ni Winnie, “Imagine taking a computer course but you don’t have a computer at home! My day would be filled with programming in my head, and then writing the programs, writing the codes on my notebook. I would get it done the following day when I could get my hands on the computer at school.” Maliban pa dito ay kinailangan niyang makisabay sa isang kaibigan na sinusundo ng magulang pauwi. Magpapababa ito sa isang lugar at doon ay lalakarin na lamang ang natitirang isang kilometro pauwi sa kanilang bahay upang makatipid ng pamasahe. Wala ring libro si Winnie kaya naman, “I would jot down notes because I did not have books and I always frequented our library. My siblings were the same.”

Matapos makagraduate ay panandaliang nagturo sa St. Paul si Winnie subalit kinailangan nitong maghanap ng trabaho na mayroong mas malaking sweldo upang may pang tustos sa pagaaral ng kanyang mga kapatid. Nag-apply sa isang kompanya bilang analyst si Winnie at nang nasa final interview na ito sa mismong vice-president ng kompanya ay tinanggihan nito ang offer na pasahod sa kaniya. Sa halip ay ito binanggit ni Winnie ang kanyang mga plano, “I told her I’m putting my brother through school. ‘I promised that to my parents. This is how much it will cost. And these are the bills I will pay monthly. I am taking care of the monthly expenses of the family, and helping my parents with these other things.”

Bumilib naman ang vice-president at sa halip na bigyan sya ng entry-level na sahod ay tinaas nito ang sahod sa kanya. Ito ang naging daan upang makabili ng bahay si Winnie matapos ang anim na taon. Kasama ng kanyang pagpupursige, pagsisikap ay ang kanyang pananampalataya sa Diyos na gagabayan siya sa kanyang tagumpay. Isang punto sa kanyang buhay ay ang magpunta ng Canada subalit naaksidente si Winnie na siyang naging hadlang dito upang lumuwas ng bansa. Para kay Winnie ay talagang narito ang plano ng Diyos para sa kanya dahil matapos ang pangyayaring iyon ay natanggap naman siya bilang project manager sa Coca-Cola. Tunay na nakakainspire ang kwento ng tagumpay ni Winnie na nagpapatunay na kailangan samahan ng pananampalataya ang bawat pagpaplano natin sa buhay upang maabot ang mga pangarap.

 

COMMENTS