Pinay OFW, pinamanahan ng dating amo ng 25-Million Pesos worth na ari-arian.

Pinay OFW, pinamanahan ng dating amo ng 25-Million Pesos worth na ari-arian.


Jackpot kung iisipin ang pamana na iniwan sa kababayan natin na si Daisy Bucad-Eng mula sa kanyang amo. Ngunit hindi basta-basta nakamit ni Daisy ang

Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.
‘Charity Bakeshop’ in Sultan Kudarat, Maguindanao, Philippines gives away free bread daily.
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Jackpot kung iisipin ang pamana na iniwan sa kababayan natin na si Daisy Bucad-Eng mula sa kanyang amo. Ngunit hindi basta-basta nakamit ni Daisy ang ganito kalaking pamana dahil ito ay bunga ng kanyang dedikasyon, pagmamalasakit at pagsisikap.

Dating tindera ng asin si Daisy sa Besao, Mountain Province at kumikita lamang ng P100 to P300 pesos kada araw. Mula sa buong araw na pagkayod upang kumita ay dumating sa punto na napagpasyahan ni Daisy na makipagsapalaran sa ibang bansa upang magkaroon ng oportunidad na mapabuti ang kabuhayan ng kanyang pamilya.

Lumipad patungong Hong Kong si Daisy at nagtrabaho bilang domestic helper. Namasukan si Daisy sa pamamahay ng isang matanda na si Marie, at bagamat P2,700 lamang ang sinasahod nito kada buwan ay hindi magawang magreklamo nito sa amo dahil sobrang bait at parang pamilya ang turing nito sa kaniya. 11 na taon nanilbihan si Daisy kay Marie at sa mga taong lumipas ay mas lalong naging malapit si Daisy dito. Sa kasamaang palad, ay namayapa si Marie noong taong 2022.

Bagamat nababalot ng lungkot ay hindi maiwasan ni Daisy matuwa sa regalong iniwan sa kanya ni Marie, isinama pala nito si Daisy sa kanyang last will and testament. Pinamanahan ni Marie si Daisy ng 25 Million na halaga ng ari-arian, “an apartment worth 25 million na na-convert into pesos at stocks sa iba’t-ibang company,” pagkukuwento ni Daisy.

Subalit nang dahil sa mga payo at kwento ni Marie ay mas naging wais na sa pera si Daisy. Nagpasya si Daisy na i-invest sa iba’t ibang negosyo ang perang ipinamana ni Marie. Sa ngayon ay nagmamay-ari na ng five-story building si Daisy na mayroong commercial spaces na ipinaparenta nito. Sa katunayan, sa penthouse ng building na ito nakatira si Daisy. Hinding-hindi naman malilimutan ni Daisy ang dating amo na naging malapit sa kaniya at nagbago ng kanyang kapalaran.

Nagpatayo ng memorial para kay Marie si Daisy sa bahay nito, “Sobrang mahal ko siya, Imagine ba naman siya ang nagbago ng kapalaran mo. I will do my best to [be] the person you want me to be,” pagsasaad ni Daisy.

Para sa mga OFW, naghihirap man kayo ngayon, patience and hardwork are the key to success… Kung anumang trabaho ang meron ka, gawin mo na nang tama,” pagpapayo ni Daisy sa mga kababayan natin na OFW. Tunay na nakakamangha ang kwento ni Daisy, subalit hindi natin dapat kalimutan na ito ay bunga ng kanyang pagsisikap. Kaya nararapat lamang na paghusayin natin ang ating mga trabaho at magsumikap para sa mas magandang buhay.

COMMENTS