Teenager na kumikita ng P150k kada buwan sa pagbebenta ng kangkong chips, pinahanga ang netizens.

Teenager na kumikita ng P150k kada buwan sa pagbebenta ng kangkong chips, pinahanga ang netizens.


Marami sa ating mga kababayan ang patuloy na naghahanap ng paraan upang kumita ng pera at makaahon sa kahirapan. Sadyang hindi madali kumita ng pera a

Sa Mang Inasal ginanap ang wedding reception noon, doon din ang binyag ngayon.
Isang nakakamanghang market vendor ang nasungkit ang pagiging Mayor mula sa isang Doktor!
Abogadong tinanggap ang alimango bilang bayad, umani ng papuri at paghanga.

Marami sa ating mga kababayan ang patuloy na naghahanap ng paraan upang kumita ng pera at makaahon sa kahirapan. Sadyang hindi madali kumita ng pera at kinakailangan ng dedikasyon, pagpupursige at diskarte upang maisakatuparan ang mga plano natin sa buhay.

Para sa isang 17-year old na si Josh Mojica, ay ang pagbebenta ng kangkong chips ang naging sagot upang kumita ng P150k kada buwan. Sa katunayan ay anim na buwan pa lamang sa negosyo nito ang binatilyo subalit six-figures na agad ang kinikita nito. Ibinahagi din nito na P3,500 lamang ang puhunan nito upang masimulan ang sariling negosyo.

 

Mula Mendez, Cavite si Josh at ayon rito ay noong June 2021 lamang nito sinimulan ang kanyang, ‘Kangkong Chips Original’. Siya’y senior highschool student sa Saint Agustine School-Mendez. Nagsimula ang ideya nito para sa kanyang negosyo noong May 2021. Nagpasya itong subukan ang pagnenegosyo upang makatulong sa mga magulang. Mula sa ulat ng Philippine Star, ay nagpasya umano itong simulant ang negosyo noong June nang pumanaw ang lolo nito dahil sa atake sa puso.

Naging supportive naman ang magulang ni Josh nang banggitin nito ang ideyang pag nenegosyo. Maging ang tita nito na nagbahagi ng recipe ay supportive at tumutulong sa packaging ng mga kangkong chips. Nang matapos ang finished product ay mismong si Josh ang naglako ng kangkong chips sa kanyang mga kakilala. Matapos ang ilang buwan ay dumoble na ang pinuhunan nitong P3,500 ng 18 na beses.

 

Nagkaroon ng repeat orders si Josh at nang pumatok ang kanyang negosyo ay hindi na nito kayang magisa ang pagluluto ng kanyang produkto. Ngayon ay kasama nito ang mga kaibigan sa paghahanda ng produkto at pagpopromote. Saad ni Josh sa Philippine Star, “Ngayon po halos lahat po ng tropa ko, bale mga 10 na po sila.”

Bagamat lumalago ang negosyo ay hindi nito pinababayaan ang pagaaral. Ang magulang naman ni Josh ang naghahandle ng financial part ng kanilang business dahil menor-de-edad pa lamang ito. Umabot na rin ang orders para sa kangkong chips sa Baguio, U.S. at Canada. Maging ang presidential candidate na si Senator Ping Lacson ay nasarapan sa kangkong chips at ipinost nito sa twitter ang reaksyon dito.

 

Ibinahagi naman ni Josh na naniniwala itong sinusubaybayan ng kanyang namayapang Lolo ang kanyang negosyo. Balak na rin ni Josh makapagpatayo ng stalls sa mga malls, mapadami ang mga resellers at makatulong sa iba pang kabataan.

 

 

COMMENTS