Babaeng inuulan ng tukso noon, proud entrepreneur at model na ngayon.

Babaeng inuulan ng tukso noon, proud entrepreneur at model na ngayon.


Isa sa mga binibigyang halaga natin ay ang ating hitsura, mula sa kinis ng balat, pananamit at pagiging malinis sa katawan. Ang pisikal na anyo kasi a

Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!
Abogadong tinanggap ang alimango bilang bayad, umani ng papuri at paghanga.

Isa sa mga binibigyang halaga natin ay ang ating hitsura, mula sa kinis ng balat, pananamit at pagiging malinis sa katawan. Ang pisikal na anyo kasi ang isa sa nagpapataas ng tiwala natin sa ating sarili na humarap sa mga tao. Hindi rin maiwasan na isa ito sa mga nagiging batayan upang makakuha ng trabaho at maging impluwensyal na tao sa mundo. Kaya naman ay talagang binibigyan natin ng halaga ang pagaayos ng ating mga sarili. Subalit para kay Joanna Sisracon, isa ito sa naging dahilan ng mapait na nakaraan.

Aminado ang 18-year old na madalas mabully at ulanan ito ng tukso noong bata pa lamang siya. Mayroon kasi siyang malaking peklat sa kanang bahagi ng kanyang ulo at mukha. Isang burn survivor si Joanna at bagamat malakas ang pangangatawan nito ay hindi nito maiwasang malungkot tuwing inaasar siya ng kanyang mga kalaro at kaklase.

 

Limang buwang sanggol pa lamang si Joanna nang aksidenteng mahulugan ng gaserang may sindi na naging sanhi ng kanyang malaking peklat. Nasunog din ang kanyang anit sa kanang bahagi kaya naman ay hindi na ito tinubuan pa ng buhok.

Kalaunan ay nagpasya si Joanna na pagaralang ang pagma-make up. Napagtanto nito na pwede niyang takpan ang peklat sa kanyang mukha gamit ang make-up at magsuot ng wig upang matakpan ang parte ng kanyang ulo na walang buhok. Dito ay nagsimulang magkaroon si Joanna ng confidence sa sarili. Nagkaroon ng sariling tiktok account si Joanna at dito niya inilantad ang kanyang karanasan sa bullying. Sa pamamagitan ng social media ay itinaguyod niya ang ‘Stop Bullying Please’ campaign upang maipakita sa mga tao na hindi maganda ang pambubully. Ito ay nakakasakit ng damdamin at nakaka-apekto sa mental health ng isang tao. Umabot naman sa mahigit 31.8 Million Views at higit 500,000 followers ang account ni Joanna.

Mula sa matagumpay na pagiimpluwensya ni Joana sa pagtigil ng bullying, ay napahanga din nito si Denise Sy Munez, ang anak ng may-ari ng Ever Bilena Cosmetics. Ito din kasi ang brand ng make-up na madalas ginagamit ni Joanna. Nang ikwento ni Denise ang pinagdaanan ni Joanna sa kanyang ama na si Dioceldo Sy, ay humanga rin ito. Napagdesisyunan nilang bigyan si Joanna ng P50,000 worth na business package upang makapagsimula ng negosyo.

Maliban sa package ay ginawa din nilang legit distributor ng Ever Bilena Products si Joanna. Higit pa dito, ang dating binubully noon dahil sa kanyang hitsura, ay isa nang modelo ng Ever Bilena Cosmetics. Ayon kay Joanna, “Yung akala mong hanggang dyan ka na lang at walang wala ka na, bigla kang isusurpresa ni Lord at bibigyan ng napakalaking blessing. Dating inaapi at nagtatago sa mga wig, ngayon ay nakapag-model para kay Ever Bilena Cosmetics. Na-awardan pa ni Sir Dioceldo Sy at Ms. Denice Sy Munez ng pangkabuhayan business package, at naging legit na distributor na ng Ever Bilena direct sales.”

Nagbigay din ng payo si Joanna para sa mga kabataang tulad niya, “wag tumigil mangarap. Ano man pinagdadaanan mo ngayon, may dahilan dyan ang Diyos. Wag kang susuko. Lumaban lang palagi. Malayo pa ang mararating natin.”

COMMENTS