Masipag na fishball vendor, proud sa naipundar nitong dalawang palapag na bahay.

Masipag na fishball vendor, proud sa naipundar nitong dalawang palapag na bahay.


Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng magandang bahay para magkaroon ng maayos na tirahan ang ating pamilya. Kung ang iba ay iba’t ibang raket a

Pambihirang Ganda at talino ng isang Pinay nagpahanga sa maraming Netizen
American boxer admits his inspiration for his career was Pacquiao’s rags-to-riches story
Ina na proud nakapagtapos sa kabila ng pagsubok na kinaharap, nagsilbing inspirasyon.

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng magandang bahay para magkaroon ng maayos na tirahan ang ating pamilya. Kung ang iba ay iba’t ibang raket ang ginagawa upang makapagipon ng pera, isang fishball vendor naman ang naging masinop at masipag sa ilang taon para lamang makapagpundar ng bahay para sa kanyang pamilya.

Tunay na hindi madaling kumita ng pera at magkakaroon talaga ng punto sa ating buhay na tila bang kapos na kapos ang ating salapi. Tulad ni Michael Gripal Relucio, ay hindi naging madali para sa kanya na mag hanap-buhay upang may pangtustos sa gastusin ng pamilya. Mula sa naipong pera ay nagpasya si Michael na magnegosyo ng fishball. Bagamat maliit lamang ang tubo sa pagiging fishball vendor ay hindi naman nauubusan ng customer ang mga ito dahil patok na patok sa panlasang pinoy ang streetfood na ito. Mas lalo pa itong mabenta tuwing may fiesta o iba pang aktibidad sa barangay.

Sa facebook page na, “Simple House in the Philippines”, ay ibinahagi nito ang kwento sa likod ng kanyang dalawang palapag na bahay. Sinimulan ni Michael ang kanyang post ng, “Isa po akong fishball vendor. Nagbunga po ang aking pinaghirapan. Konti na lang po matatapos na.”

Sa pagsisipag ni Michael sa pagtitinda ay nakayanan nitong makapagpundar ng maayos na bahay. Makikitang nakatiles ang exterior walls nito at may modernong disenyo ang steel railing. Mayroon din itong minibar, dining room at sala.

Ang hagdan ay naka railing din na terno sa terrace ng bahay. Mayroon din outdoor lights na modern at simple ang disenyo. Bagamat hindi pa tapos ang bahay ay marami ang humanga sa naipundar ni Michael. Talaga namang hindi masusukat sa uri ng hanapbuhay ang kakayanan ng isang tao na maabot ang pinapangarap na bahay. Tanging sipag, tyaga at diskarte ang susi upang maisakatuparan natin ang ating mga pangarap. Saludo kami sayo Michael.

COMMENTS