House and Lot awardee mula sa raffle ng mga nagpabakuna sa Ilocos Sur, isang 22 year old ang nanalo!

House and Lot awardee mula sa raffle ng mga nagpabakuna sa Ilocos Sur, isang 22 year old ang nanalo!


Sino ba naman hindi gaganahan magpabakuna kung may tsansa kang Manalo ng house and lot?   Maswerteng napanalunan ng isang 22-year old na es

Umabot sa 65k ang naipon ng ginang na ito sa loob ng 3 buwan dahil sa kakaibang diskarte nito sa pera.
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Sino ba naman hindi gaganahan magpabakuna kung may tsansa kang Manalo ng house and lot?

 

Maswerteng napanalunan ng isang 22-year old na estudyanteng si Romulo Corpuz ang house and lot na ipinaparaffle ng local government ng Ilocos Sur para sa mga residenteng nilang nagpabakuna. Ito ay upang mahikayat ang mga mamamayan na kumuha ng bakuna para sa ikaliligtas ng lahat. Para naman kay Romulo ay napasigaw ito sa tuwa sa gitna ng grocey store nang malaman niyang siya ang nanalo ng house and lot. Pahayag ni Romulo sa GMA Regional TV Balitang Amianan noong December 30, 2021, “Nagsigaw-sigaw po ako kasi blessing na iyon. Tapos tumawag yung security. Tapos tinanong niya kung ano yung sinisigaw ko. Tapos sabi ko na nanalo ako ng house and lot.”

Napaluha naman ang ina ni Romulo nang matanggap ang balita ukol sa pagpapanalo nito ng raffle. Saad ni Mildred Corpuz, “Blessing na blessing sa Christmas na ito, kasi yung anak ko nanalo sa house and lot.” Kasalukuyan kasing nakatira ang pamilya sa housing program ng kanilang LGU kaya naman ay hindi mapigilan ang tuwa ng pamilya sa pagkapanalo ng anak.

Nagbigay din ng paliwanag si Mayor Jesus Bueno Jr., “May namana kaming lupa dun sa site. Portion of that pinatayuan naming ng bahay.” Inisasaayos na nila ang mga papeles upang mai-award na kay Romulo ang lupa. Dagdag nito, “By January, yung deed of donation ay mapapasa-kanya na.”

Umaasa din ito na maging katuwang ng barangay ang binata, “Sana pag nakuha niya yun, mas lalo pa siyang sisipag na maging katulong sa isang barangay, lalo na sa youth sector.” Marami namang netizens ang natuwa sa pagkapanalo ng binata. Hindi lamang ito nakakuha ng bakuna kundi nagka house and lot pa!

COMMENTS