Judy Ann Santos, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng luxury bags.

Judy Ann Santos, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng luxury bags.


Marami sa mga artista ang nagkokolekta ng luxury bags at madalas din nila itong ipakita sa kanilang social media. Kinikilala nila itong investment, su

Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.
Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.
Unico hijo ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, may chance maging future heartthrob dahil sa angking kagwapuhan at karisma nito!

Marami sa mga artista ang nagkokolekta ng luxury bags at madalas din nila itong ipakita sa kanilang social media. Kinikilala nila itong investment, subalit sa kabilang banda, mayroon din mga tao na hindi matanggap na gumatos ng milyones para lamang sa isang bag. Isa na dito ang 43-year old actress, mom, chef at resturanteur na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

 

Aminado ang aktres na mahilig ito sa luxury bags subalit di umano nito kayang gumatos ng ganoon kalaki. Pagbabahagi ni Juday sa isang interview sa Pep.ph, “Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko.” Sapat na kay Juday ang simpleng gamit, “Nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong, o katsa bag, o sa eco bag.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Natatawa din nitong inamin, “Kaya ko bumili ng branded na bag basta installment. Iba-iba lang talaga tayo. Pero sa akin… bibili na lang ako ng pagkain, or ipapa-gas ko na lang ito sa sasakyan.

 

Ibinahagi din ni Juday na dadalawa lamang ang binili niyang luxury bag. Ito ay ang brown carryall mula sa Hermès, at ang classic black bag mula sa Chanel. Ayon sa aktres ay talagang pinagisipan pa nito ng mabuti kung dapat ba nitong bilhin ang bag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

“May binili akong Hermès na bag. Tinanong ko [kung] pwede ba ‘tong installment. O pwede, so check. Tinignan ko muna kung kasya yung mga gamit ko. Kasya—o, check. Anong kulayO, brown. Check na check! Napaka-neutral ng color niyaKahit anong suot ko, pwede siya kasi hindi naman ako mapormang tao. Kailangan ko ng very neutral na bag.”

“Ang mahal mahal naman kasi. P400,000 para sa isang bag—Panginoong Diyos ko namanAng daming grocery na nun, ang daming truffle oil na nun.”

Nakakatuwang isipin na bagamat superstar na si Juday ay talagang simple pa rin ang gusto nito. Sa ngayon ay abala ito sa restaurant nila ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo, sa pagbuo ng kanyang cooking videos, at pagaalaga ng kanilang tatlong anak.

 

COMMENTS