Olivia Rodrigo, biggest fan umano ni Catriona Gray at flattered tuwing sinasabing magka-mukha sila.

Olivia Rodrigo, biggest fan umano ni Catriona Gray at flattered tuwing sinasabing magka-mukha sila.


Isa sa big names ngayon sa Hollywood music ang Half-Pinay na si Olivia Rodrigo na nagsulat at kumanta ng hit song na, ‘Driver’s License’. Inamin din n

Catriona Gray admits, “I’m very lambing” with boyfriend, Sam Milby.
US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.
Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.

Isa sa big names ngayon sa Hollywood music ang Half-Pinay na si Olivia Rodrigo na nagsulat at kumanta ng hit song na, ‘Driver’s License’. Inamin din ng 18-year old international pop singer na biggest fan siya ni Miss Universe 2018, Catriona Gray.

 

Sa isang Zoom interview kay Olivia Rodrigo ng Southeast Asian Press ay tinanong ito kung sino ang idolo nitong artist at walang patumpik-tumpik naman nitong sinabing, ‘Catriona Gray!’ Nagpaliwanag naman ito, “She has such a beautiful voice and sometimes I listen to her songs and stuff. And I think she’s just obviously stunning and such an incredible person. So, yeah, I love watching her.”

Lingid sa kaalaman ng marami ay mayroong certificate degree mula sa Beklee College of Music si Catriona Gray.

 

Napagusapan din sa interview na marami umanong nagsasabi kay Olivia na kahawig nito ang beauty queen. Reaskyon naman ni Olivia, “People always say that I sort of look like her which is insane ’cause she’s literally like the most beautiful people person I’ve ever seen. So anytime people say that, I’m like, ‘Really?! That’s crazy!’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @olivia.angels_

Maging ang Host ng 99.5 Play FM na si Margaux Sue ay nag suhesyon na posibleng umarte ang dalawa bilang magkapatid sa isang music video. Kinagiliwan naman ni Olivia ang sinabi ni Margaux at sumang-ayon na pwedeng maging ate nito sa isang music video si Catriona. Saan ni Olivia, “Definitely! She could play like my older sister. Or like—I don’t know how old she is—but like, a couple of years older. We could be the same person a couple of years apart. Maybe, I don’t know. Yeah, she’s beautiful!”

 

Sa isang facebook story ni Catriona Gray ay ipinakita nito na napakinggan niya ang mga sinabi ni Olivia sa interview at naglagay ng, “Whuuuut. Hi @oliviarodrigo.” Marami ang nakakapansin sa pagkakahawig ng dalawa at mayroon din mga fans na umaasang magkasama ang dalawa sa isang pelikula.

COMMENTS