Barkadang sabay-sabay gumala noon, sabay-sabay namang nagdadalang-tao ngayon.

Barkadang sabay-sabay gumala noon, sabay-sabay namang nagdadalang-tao ngayon.


Natatandaan pa ba ninyo noong mga panahon na friendship bracelets pa lamang ang tanda ng pagkakaibigan? Pwes ngayon, mas lumevel-up ang magkakabarkada

Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!
Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.
Viral ngayon sa social media ang pambabastos ng isang bus driver at kundoktor sa isang babae!

Natatandaan pa ba ninyo noong mga panahon na friendship bracelets pa lamang ang tanda ng pagkakaibigan? Pwes ngayon, mas lumevel-up ang magkakabarkadang ito nang sabay-sabay na nagbuntis.

Mabilis kumalat sa social media ang litrato ng maternity photoshoot ng magkakaibigan. Mapapa #friendship goals ka talaga dahil pati sa punto ng buhay ng magkakaibigan na ito ay karamay nila ang isa’t-isa. Sa loob ng 12 years ay nanatiling magkakaibigan ang mga ito na nagmula pa sa Davao City.

 

Mula highschool ay napanatili ng magkakaibigan na ito ang kanilang samahan. Sa isang panayam ng ABS-CBN news kay Cherley Mae Nicholas ay ibinahagi nito na hindi nito inexpect na papatok sa netizens ang kanilang isinagawang maternity shoot. Ayon dito, “Simple remembrance lang kasi talaga ang purpose ng shoot. It turns out na maraming natuwa..”

 

Natuwa din ang kanilang photographer na si Marvin Ponce nang malaman na magkakaibigan pala ang gagawan niya ng maternity shoot. Saad ni Marvin sa GMA News, “Na-excite ako, kasi first time kong mag-shoot na group picture na maternity, at mag-friends pa sila. Nag-wonder talaga ako paano nagsabay-sabay silang buntis.”

Bawat isa sa kanila ay may sari-sarili nang buhay subalit nang magkausap muli ang magkakaibigan sa group chat noong August 13, 2021 ay ikinagulat din nila nang malaman na lahat sila ay buntis na. Pagkukuwento ni Cherley Mae, “That was August 13. Thirteen kasi is our monthsary as a group. So monthly, we celebrate, greet each other ‘Happy Monthsary’, ‘Happy 13’, ‘Happy Friendship Day’.”

 

Sa katunayan ay itinatago pala ng isa’t isa sa kanila ang kanilang pagbubuntis hanggang sa may umamin na isa at nagsunod-sunuran na daw ang pag amin ng apat pa nitong kaibigan. Saad ni Cherley, “So, yung day na iyon, nagsabi isa sa amin na, ‘Day, I have news. Haha Buntis ako.’ Tapos yun… natawa na lang kaming lahat. Sunod-sunod na nagsabi na ‘ako din, ako din, ako din.”

Nung kanilang kabataan ay matching backpacks lamang ang tanda ng kanilang friendship, ngayon ay pagbubuntis na. Ayon kay Cherley, ninang ang bawat isa sa kanila ng kani-kanilang mga anak. Umaasa din ang mga ito na maipasa nila sa kanilang mga anak ang closeness na pinapahalagahan nilang magkakabarkada.

COMMENTS