Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.

Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.


Hanggang saan ka dadalhin ng perang nasa bulsa mo? Para sa isang mag-ama nula Maynila, ay isang hindi inaasahang pangyayari ang bumungad sa kanila.

Netizen na tumulong sa isang Lolo sa ATM nito, umani ng papuri sa social media.
Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.
Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.

Hanggang saan ka dadalhin ng perang nasa bulsa mo?

Para sa isang mag-ama nula Maynila, ay isang hindi inaasahang pangyayari ang bumungad sa kanila. Sa kasamaang-palad kasi, mali ang bus na nasakyan ng isang ama na kasa-kasama ang kanyang apat na anak. Dagdag pa rito ay wala na silang pera upang makasakay uli o kaya naman ay pambili ng makakain.

Sa post na ibinahagi sa Hanep TV ni Racel Diola Melargo, ay ikinuwento nito ang araw nang makilala niya ang maga-ama. Nasa duty si Racel bilang security guard, nang magtanong ng direksyon ang maga-ama sa kaniya. Napagalaman ni Racel na mula Maynila ang pamilya at patungong Lemery, Batangas para sa burol ng ina ng mga bata. Subalit mali ang bus na nasakyan nila kaya naman ay napadpad sila ng Tanauan, Batangas. Dagdag pa sa kanilang pagluluksa, ay ang problema na wala na umano itong pera upang makasakay muli ng bus at upang makakain.

 

Tatlong araw nang naglalakad ang pamilya na nagtitiyagang makapunta sa Lemery, Batangas. Tumitigil na lamang sila sa mga karinderyang madadaanan upang maki-inom ng tubig at nakikusap na pakainin ang mga bata. Isa sa mga bata ang lumapit kay Racel upang magtanong ng direksyon papuntang Lipa.

Kaawa-awa ang nangyari sa pamilyang ito, at bagamat hindi kalakihan ang sahon bilang gwardya ay pinakitaan pa rin ni Racel ng kabutihan at pagmamalasakit ang pamilya. Pinakain niya ang pamilya, at binigyan ng pamasahe upang makapunta sa Lemery.

 

Agad na nagviral ang post na ito ni Racel, subalit kama-kailan ay nagpost ito ng pagbabago. Buhay pa umano ang ina ng mga bata at mayroon lamang hinaharap na problema nang mga panahon na iyon. Sa ngayon ay masayang kapiling ng mga bata ang kanilang ina at ama, at ligtas ang buong pamilya. Marami ang nainspire at natuwa sa ginawa ni Racel. Nawa ay tularan ng marami sa sa ating mga kababayan ang ginawa ni Racel.

 

 

COMMENTS