Kambal na isinilang sa magkaibang taon, magkaibang buwan at magkaibang araw, possible nga ba?

Kambal na isinilang sa magkaibang taon, magkaibang buwan at magkaibang araw, possible nga ba?


Kadalasan sa kambal na magkapatid ay mayroong parehong birthday, bagamat magkaiba ng oras na ipinanganak. Subalit ang Trujillo twins mula California a

“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!
Food Panda Rider na tumulong sa kapwa delivery rider, inulan ng papuri mula sa netizens.

Kadalasan sa kambal na magkapatid ay mayroong parehong birthday, bagamat magkaiba ng oras na ipinanganak. Subalit ang Trujillo twins mula California ay usap-usapan ngayon sa social media dahil magkaiba ang buwan, araw at taon na ipinanganak sila. Paano kaya ito nangyari?

 

15 minutes ang pagitan nang ipinanganak ang Trujillo twins mula California, U.S.A. Ayon sa facebook post na nagbahagi ng kanilang kwento, ang hindi pangkaraniwang pangyayaring ganito ay madalang, at may tsansang one-in-2 million babies lamang. Ipinanganak ang fraternal twins sa Natividad Medical Center sa Salinas, California. Ayon sa post, “Twins with different birthdays are rare, and some estimate the chance of twins being born in different years as one in 2 million.”

Unang isinilang ang lalaking sanggol na si Alfredo Antonio Trujillo sa oras na 11:45pm ng December 31, 2021 habang sa sumunod na 15 na minuto naman isinilang ang sanggol na babae na si Aylin Yolanda Trujillo ng bandang 12:00 midnight, January 1, 2022. Sa katunayan ay si Aylin ang first baby born at Natividad Medical Center and in Monterey County in 2022,” ayon sa post ng hospital.

 

Abot langit naman ang saya ng ina ng kambal na si Fatima Madrigal, sa safe delivery ng kanyang mga anak at sa kakaibang pangyayari na ito. Saad nito sa post, “It’s crazy to me that they are twins and have different birthdays. I was surprised and happy that she arrived at midnight.” Maging ang ama nito na si Robert Trujillo pati na rin ang tatlo nilang anak ay masaya sa pagdating ng kambal.

 

Para naman sa doctor na nanguna sa operasyon, ito umano ang isa sa hindi makakalimutang karanasan nito sa kanyang karera. Saad ni Dr. Ana Abril Arias, “This was definitely one of the most memorable deliveries of my career.” Dagdag pa nito, “It was an absolute pleasure to help these little ones arrive here safely in 2021 and 2022. What an amazing way to start the New Year!”

 

COMMENTS