Kapalaran ng isang parking boy, nabago nang dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan.

Kapalaran ng isang parking boy, nabago nang dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan.


Tunay na mahirap makahon sa hirap, lalo na sa kalagayan ng mundo ngayon na nagsasara ang ibang negosyo at nawalan ng trabaho ang maraming tao. Subalit

Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.
‘Charity Bakeshop’ in Sultan Kudarat, Maguindanao, Philippines gives away free bread daily.

Tunay na mahirap makahon sa hirap, lalo na sa kalagayan ng mundo ngayon na nagsasara ang ibang negosyo at nawalan ng trabaho ang maraming tao. Subalit hindi pa rin tayo dapat sumuko dahil sa bawat pagsisikap natin ay nagbubunga ito ng kaginhawaan.

 

Para sa isang parking boy na si Andrey Macabuhay, malaki ang naging kapalit ng pagiging matapat at masipag niya. Kapos man ang kinikita ng kanyang mga magulang ay hindi niya ito sinisi sa kalagayan nila sa buhay. Bagamat ay gumawa ito ng paraan upang kumita ng kakaonting pera upang makatulong sa kanyang magulang.

 

Nagsilbi itong parking boy at sa bawat barya na iaabot sa kaniya ay ibinibigay nito sa kanyang magulang. Ito ang naging diskarte ni Andrey upang kahit papaano ay kumita ng salapi. Hanggang sa isang gabi noong 2017 ay nakapulot ng wallet na nahulog si Andrey habang nagsisilbi bilang parking boy. Ang wallet ay pagmamay-ari ni Dindo at mayroong P7k ang laman umano ito. Dahil sa pagiging matapat at mabuti ni Andrey ay nagpasya si Dindo na ibahagi ang kwento noong gabing iyon. Agad naman nagviral ang pangyayari at marami ang humanga kay Andrey. Sa katunayan, ay nabigyan pa si Andrey ng full scholarship muna Immaculate Concepcion Institue.

 

Kabilang sa scholarship ay ang allowance, libreng uniporme at mga librong kakailanganin ni Andrey sa pagaaral. Malaki ang pagbabagong naidulot ng simpleng ginawa ni Andrey noong gabing iyon. Hindi ipinalampas nito ang pagkakataon at ipinagbuti ang pagaaral. Ngayon ay nakapagtapos na ng elementarya si Andrey at nagpa-planong magpatuloy hanggang highschool at kolehiyo. Naging mas maganda ang direksyon ng buhay ni Andrey ngayon dahil sa pagkakataong makapag-aral na ibinigay sa kanya. Tunay na malaki ang balik na biyaya sa tuwing gumagawa tayo ng mabuti. Marami pa ring mga tao na nais makatulong sa kapwa nang walang kahit anong hinihingi na kapalit.

 

 

COMMENTS