Dalagang nagtrabaho bilang kasambahay noon, Licensed ‘Pharmacist’ na ngayon.

Dalagang nagtrabaho bilang kasambahay noon, Licensed ‘Pharmacist’ na ngayon.


Masikap na nagtiis ang isang dalaga mula Sorsogon, para maabot ang kanyang pangarap para sa sarili at para sa pamilya.   Tumayong inspirasy

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Sirven Garibay, Civil Engineering Topnotcher sa Board Exam pero hate umano ang Math.

Masikap na nagtiis ang isang dalaga mula Sorsogon, para maabot ang kanyang pangarap para sa sarili at para sa pamilya.

 

Tumayong inspirasyan ngayon sa marami si Joanna Rose Grino matapos magviral ang kwento nito patungong tagumpay. Sa kabila ng paghihirap at sakripisyo ay proud na nagpost si Joanna ng kanyang kwento sa Facebook. Nakapasa ng November 2021 Pharmacist Board Exam si Joanna.

Sa kanyang post, “Mama/Papa Pharmacist na po ako. Thank you Lord. Merry na ang Christmas.” Ibinahagi din nito na sa dami ng hirap at pagsubok at talagang tinibayan nito ang loob. Aniya, “ang daming pagsubok na dumaan pero hindi ako nagpatalo, hindi rin ako umiyak (ngayon lang).”

 

Mula sa mahirap lamang na pamilya si Joanna at anim silang magkakapatid. Para makaraos sa pang araw-araw na pangangailangan ay kinailangan nila sumabak sa trabaho. Saad ni Joanna sa panayam sa kanya ng GMA, “Sabi ko kila ate, ‘ate pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang yung trabaho?’” Dagdag pa nito, “kasi alam ko po na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na talaga ako kung nandoon lang ako sa Bicol.”

 

Ang ate naman ni Joanna na si Mary Jane ay maagang nagsumikap magtrabaho upang makatulong sa pamilya. Ayon dito, “Yung ultimo po asin, pisong asin, uutangin pa namin sa kapitbahay, ultimo isang pirasong sibuyas or bawang na pang-gisa.”

Nang makapagtapos ng pagaaral si Mary Jane sa Adamson University sa tulong ng kanyang full scholarship ay agad itong nagsumikap upang mapagaral sa kolehiyo ang kapatid na si Joanna. Hindi naman nag-aksaya ng pagkakataon at panahon si Joanna at nagtrabaho bilang kasambahay habang nag-aaral. Ang kinikita ni Joanna ay ginagamit nito pang tustos sa kanyang pangangailangan sa pagaaral habang si Mary Jane naman ang nagbabayad ng kanyang tuition.

 

Nakapagtapos naman ng kursong pharmacist si Joanna sa Our Lady of Fatima University-Valenzuela subalit hindi dito nagtatapos ang pagsubok niya sa buhay. Sa araw umano ng kanyang board exam ay inulan pa siya ng pagsubok. Ayon kay Joanna, “sa araw ng exam masama ang pakiramdam ko. Si mama nasa hospital noon. Ka ko Lord para sa ikauunlad ng pamilya. Please ang tagal kong hinintay to.”

 

Pinalad naman na nakapasa si Joanna at ngayon ay muling nagsusumikap magtrabaho upang mapagaral ang iba pa niyang kapatid.

 

 

 

 

COMMENTS