Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.

Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.


Higit pa sa pinapangarap ng Pinay nanny mula HongKong ang naabot nito sa Canada. Isa na kasing may-ari ng eskwelahan sa Canada si Abby Villanueva. Bag

Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.
Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.
Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.

Higit pa sa pinapangarap ng Pinay nanny mula HongKong ang naabot nito sa Canada. Isa na kasing may-ari ng eskwelahan sa Canada si Abby Villanueva. Bagamat malayo na ang narating ay hindi rin biro ang pinagdaanan nito.

 

Ibinahagi ni Abby sa OMNI Filipino, ang news network na nakapokus sa mga kababayan natin na sa Canada, ang kwento ng kanyang pagsisikap at tagumpay.

Sa loob ng dalawang taon ay nagtrabaho si Abby bilang nanny sa HongKong. Mabait ang naging amo ni Abby, sa katunayan ay ito ang tumulong sa kanya na makapag-migrate sa Canada. Ayon kay Abby, “She hired me pero ang purpose niya talaga is to make sure na mabibigyan niya ako ng leverage to improve my life in Canada.” Dagdag pa nito, “So, nag-nanny ako ng two years. After that, sinuportahan nila ako to get my open work permit…”

 

Salamat sa amo nito na naging daan upang makapagsimula si Abby sa Canada, ay nakakuha din si Abby ng permanent residency at trabaho. Kwento ni Abby, “And then after my permanent residency, nag-start na ako [sa] non-profit organization.” May mga panahon rin na nagdadalawang-isip si Abby sa naging desisyon nito, “Sabi ko, ‘why did I move here?’”

 

Subalit nagpursige pa rin si Abby ay ginamit ang kanyang background sa education. Saad ni Abby, “I had my foundation of education mismo sa Mariano Marcos State University,” na nasa Ilocos Norte.

 

Kasama ang kanyang dalawang kaibigan ay itinayo nila ang AGA Academy sa Alberta, Canada. Si Abby ang tumatayong president at chief executive officer ng eskwelahan. Ang mga kursong ino-offer ng kanilang paaralan ay, Community Support and Addictions Worker Diploma, Tourism Management Diploma, Pharmacy Assistant, Massage Therapy Diploma, Advanced Massage Therapy Diploma, at Digital Marketing and Web Design Diploma. “I started with one student and one staff. And that staff is me,” saad ni Abby.

Hindi naman nagtagal ay umabot na sa 900 students ang handle ng paaralan. “Currently, we are close to 900 students… for the period of twelve months. We have six license courses right now, and we are waiting for ten more to come. Kasi yung licensing talaga, it takes between six months to one year.”

 

Nitong 2021, nabigyan na ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) ang academy ni Abby. Sa pamamagitan nito ay maari na silang tumanggap ng international students subalit hindi sila makapag issue ng post-graduate work permit dahil sila ay isang private school. Subalit dito naman nagiging daan si Abby dahil tinutulungan nito na ma-assist ng immigration consultant at immigration lawyer ang kanilang mga estudyante na nagaapply para sa work permit. Aniya, “That’s how we bridge the gap,” dahil patuloy silang nakikipag-partnership sa mga institusyon na nagbibigay ng post-graduate work permit.

Para naman sa mga kababayan natin na nais din marating ang narating ni Abby, ito ang mensahe niya, “If you fail, who cares? Do it again. Climb up the ladder. Do it again.”

 

“Hindi ko matandaan kung ilang beses ako nag-fail in this path, but you know what, you will be successful. Just keep on trying.”

 

 

 

 

 

 

 

COMMENTS