Sirven Garibay, Civil Engineering Topnotcher sa Board Exam pero hate umano ang Math.

Sirven Garibay, Civil Engineering Topnotcher sa Board Exam pero hate umano ang Math.


Graduate ng University of the Philippines Los Banos ang usap-usapang Civil Engineering Board Exam Topnotcher na si Sirven Carandang Garibay. Kalakip a

Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Dalagang nagtrabaho bilang kasambahay noon, Licensed ‘Pharmacist’ na ngayon.

Graduate ng University of the Philippines Los Banos ang usap-usapang Civil Engineering Board Exam Topnotcher na si Sirven Carandang Garibay. Kalakip ang pagkabilib ng mga netizens sa kanya ay ang intrigang iniwan nito nang ibahagi niya na hate niya umano ang math.

 

Umani ng 93.20 ang score ni Garibay sa nasabing Board Exam. Hindi madali ang naabot nitong top spot at talaga namang nagdala ito ng karangala sa unibersidad. Subalit sa taas ng naabot nito ay hindi mo mahahalata na hindi pala nito paborito ang isa sa pinaka importanteng aspeto ng pagging Civil Engineer – ang Math.

Inamin ni Garibay sa panayam sa kanya ng GineersNow.com noong 2020 na pangarap talaga nitong maging doktor. Sa paglipas ng panahon ay mas nagkainteres sa engineering si Garibay, isama pa dito ang kaibigan nito noong highschool na gusto din maging civil engineer. Aniya, “Another reason for me to take engineering is to continue what my father was not able to do due to the circumstances in his time. He was an undergraduate student of mechanical engineering when he needed to stop studying.”

 

Sa lahat naman ng mga subject sa nasabing kurso ay paborito nito ang structural design. Ayon nito, “This may be known as the hardest field in civil engineering but maybe the reason that I had a liking for it is because since I was a kid, when people mention engineer, I immediately thought of persons who design and build buildings.”

 

Subalit, ang pinakaayaw nitong subject ay mathematics. Aniya, “I only despise math, but that does not mean I am terrible at it.”

 

Sa kabila ng taas ng grades ni Garibay, ay isa pala itong ‘crammer’. Kung saan ay ginagawa ang mga bagay nang malapit na sa deadline o itinakdang oras. Aniya, “My study habits are really not something to be proud of. I study only at early mornings of examination days. You can say that I am your average crammer. But everything worked out just fine for me.”

Laking gulat naman para kay Garibay nang makuha nito ang top score sa batch nito ng Civil Engineering Board Exam. Ikinuwento ni Garibay na nagenroll umano siya sa review center subalit pakiramdam niya ay hindi pa siya handa. Para sa kanya ay napaka hirap ng exam, kaya naman ay labis din ang tuwa nito nang malaman na nakapasa siya at top 1 pa. Aniya, “I knew that there are other examinees which could have done a better job. The exam was difficult that I only wished, at that time, that my efforts were enough to pass.”

 

Dagdag pa nito, “I looked immediately in the PRC online site to confirm this. There were a few seconds of silence and finally, I shouted, ‘Thank you Lord! Top 1 ako.’”

 

Laking pasasalamat naman ni Garibay sa Diyos, sa kanyang maglang at pati sa kanyang girlfriend na todo suporta sa kanya. Nagiwan naman ng payo si Garibay sa mga estudyanteng kumukha ng engineering. Aniya, “Engineering courses are notorious for being difficult, but let it become your passion and you will never feel the same way ever again. Therefore, it is very important that you are doing what you love.”

COMMENTS