Sa Mang Inasal ginanap ang wedding reception noon, doon din ang binyag ngayon.

Sa Mang Inasal ginanap ang wedding reception noon, doon din ang binyag ngayon.


Masarap na, practical pa.. Ang mga salu-salo na ginaganap tuwing okasyon tulad ng kaarawan, kasal, debut at binyag ay karaniwang kinakailangan ng m

Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.
Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.
Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan.

Masarap na, practical pa..

Ang mga salu-salo na ginaganap tuwing okasyon tulad ng kaarawan, kasal, debut at binyag ay karaniwang kinakailangan ng malaking budget. Maliban doon ay kinakailangan din ng manpower para sa pagluluto at pagdedecorate ng venue. Kaya naman ay talagang hindi biro ang pagpaplano at paghahanda na kinakailangan tuwing okasyon.

Kaya naman ay marami ang bumilib sa magasawang sina Rian Eran Baynosa at Rhaquesa Vicente Mosende, na pinili ang kilalang food chain na Mang Inasal bilang kanilang wedding reception venue. Maliban kasi masarap ang pagkain ay bawas stress at hindi mabigat sa bulsa pinili nilang paraan upang ipagdiwang ang kanilang kasal. Plus points pa ang unli rice na talaga namang bubusog sa mga bisita.

Agad na nagviral ang dalawa dahil sa kanilang pamamaraan. Halos P3,000 lamang kasi ang nagastos ng dalawa sa kanilang reception. Kung ikukumpara sa libo-libong halaga na karaniwan na ginagastos sa isang wedding reception ay practical na ang napiling pamamaraan ng magasawa.

Ngayon ay pinili nila ulit ang Mang Inasal para sa binyag ng kanilang unang anak. Tiyak na pasok sa budget ang ginawang binyag kung ikokompara sa karaniwang pamamaraan ng paghahanda sa okasyon. Muling napabilib ang mga netizens sa desisyon ng magasawa na maging practical sa paghahanda sa okasyon. Mas makabubuting maging matipid sa pera lalo na sa panahon ngayon.

COMMENTS