Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.

Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.


Ayon sa Youtube Channel ni Ogie na Showbiz Update, napag usapan nila ng kaniyang mga kasama na sina Tita Jigs, Mama Loi at Brena ang kumakalat umanong

Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.
Baron Geisler, proud na ibinahagi ang pagtatapos niya ngayon ng kursong Theology: ‘It’s never too late’
Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!

Ayon sa Youtube Channel ni Ogie na Showbiz Update, napag usapan nila ng kaniyang mga kasama na sina Tita Jigs, Mama Loi at Brena ang kumakalat umanong viral video ng mag-asawang Baron at Jamie na sila ay nag-aaway.

Hindi raw sinasadyang mai-upload ni Baron sa Instagram ang nasabing video na kanilang tinutukoy, agad din naman daw itong binura kalaunan. Makikita rin sa Video na sinisermonan ni Brena si Baron habang ito nakahiga sa kama.   Ayon kay Ogie, “Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak ang misis niya at ang sabi, ‘Ano? Gusto mo magpasaklolo? Tawagan mo yung sugar mommy mo. Ano? Gusto mo magpaano sa Gwardya?’”.

Makikita rin sa video na sinabi ni Baron sa kaniyang misis “Oh my God! What is this? Sinong dapat ipar3hab?” pagkatapos hagisan ng kaniyang asawa ng isang lagayan na may laman pang sabaw nakumalat sa kaniyang paanan at sa kamang kaniyang hinihigaan.

Ayon naman kay Ogie maaring nasabi nito ni Baron dahil baka hindi siya ang dapat ibalik rehab kundi ang kaniyang asawa dahil sa ginawa na pagbato nito sa kaniya. At naisip rin ni Ogie kung ano ang naging dahilan ng kanilang pagtatalo dahil nagbago narin daw ang Aktor.

Gayunpaman, maaari din na hindi pa tuluyang naiiwasan ng aktor ang pag-inom dahil marami pa raw naririnig si Ogie na si Baron ay umiinom parin, at hindi rin daw madaling iwan ang mga nakasanayan na.

“Ako ha, feeling ko lang. Kilala ko si Baron. Eh hindi, hindi parin makatiis si Baron, iinom at iinom pa rin yan. Akala ko nga completely healed at completely reformed na si Baron.”, Aniya ni Ogie.Kaya sinabi nalang ni Ogie na wala siyang ideya kung ano ang pinag-awayan ng dalawang mag-asawa kaya hayaan nalang sila na magpaliwanag sa nangyari sa video. Saad niya, “Panget, naman, para tayong marites dito na naghihinu-hinuha kung ano ang naging cause ng kanilang away pero hayaan mo na sila ang magpaliwanag niyan”.

Kaya kung may problema na kailangan naman gawing pribado ay hindi niyo na dapat isapubliko at ipost sa social media.

COMMENTS