Isang binatang kargador sa palengke na mula pa sa Cebu City, ang nag Top 2 sa Mechanical Engineer Board Exam 2022!

Isang binatang kargador sa palengke na mula pa sa Cebu City, ang nag Top 2 sa Mechanical Engineer Board Exam 2022!


Hindi madali ang pag-abot natin sa ating mga pangarap sa buhay, marami tayong pinagdadaanan ng hirap at pagod upang maisakatuparan lamang ang mga pang

Tabi-tabi po, kotse ng balut vendor na gawa sa metal drum, aarangkada na!
Tricycle driver noon, negosyante na ngayon! Alamin dito ang nakakahanga na kwento ng mag-asawang nakamit ang tagumpay sa pagbebenta ng ‘fried chicken’.
Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!

Hindi madali ang pag-abot natin sa ating mga pangarap sa buhay, marami tayong pinagdadaanan ng hirap at pagod upang maisakatuparan lamang ang mga pangarap na ito. Katulad na lamang ng nakaka-inspired na kwento ng isang binata na dumaan sa hirap ng paghahanapbuhay upang makapag-aral lamang at masungkit ang kanyang tagumpay.

Sa Warwick Barracks, Carbon Market, Cebu City ay nakilala ang binatang si Mark Allen Armenion na nakaranas ng maraming hirap sa buhay bago siya naging Top 2 sa Mechanical Engineer Licensure Examination nito lamang February 2022. Upang makapagtapos lamang ng pag-aaral ay nakaranas siyang bumagsak sa klase noong elementary at high school dahil kinailangan niyang magkargador ng tubig para matulungan sa gastusin ang kanyang ina na tindera ng uling at ang kanyang ama na tagaluto ng litson sa Carbon Market sa Cebu City.

Siya ay bunsong anak, ayon kay Mark noong siya ay elementary at high school pa lamang ay madalas daw siyang lumiban sa klase. Kaya naman dahil dito, dalawang beses siyang bumagsak noong siya ay Grade 3 sa elementarya at Third Year High School naman sa secondarya. Dahil sa kakapusan sap era, kinailangan ni Mark na maging kargador ng tubig sa palengke para may makatulong sa gastusin nila sa kanilang bahay at sa kanyang pag-aaral.

Gayunpaman, siya ang best in mathematics sa kanilang batch. Pagka-graduate niya ng high school ay nag-enroll si Mark sa kursong mechanical engineering sa University of Cebu–Lapu-Lapu and Mandaue (UC-LM). Nag-working student siya para maitaguyod ang kanyang pag-aaral. Pinatunayan din niya ang kanyang kahusayan sa matematika habang siya ay nasa kolehiyo. Tinanghal siyang National Quiz Champion sa 2018 Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Quiz Bowl 2018. Siya rin ang nagwagi sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) Math Quiz Bowl noong 2018 at 2019.

Sinubok naman siyang muli ng tadhana nang ang bahay nila sa Mandaue City ay i-demolish, kaya napilitan sila ng kanyang ina at mga kapatid na magbalik sa Carbon. Ngunit, hindi ito naging hadlang at ipinagpatuloy niya pa rin ang pag-aaral sa University of Cebu main campus.

At dahil transferee si Mark, kahit matataas ang kanyang grades ay hindi siya naging cum laude. Aminado naman siyang target niya ang first place sa Mechanical Engineering licensure exams kaya naman talagang dalawang taon siyang naghanda para rito. Aniya, “Sukad pag third year college nako, my mind was already at the board exam. And with all the efforts I had, my mind was set to become Top 1 and break records.”

Hindi rin niya itinanggi na medyo na-disappointed siya na hindi niya nasungkit ang Top 1 at inamin din niyang ang cash incentives na ibinibigay sa University of Cebu topnotchers ang kanyang driving force, pero ang pinaka-inspirasyon niya ay ang kanyang mga magulang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ayon pa kay Mark, “That was my mindset during my college days. Para if in case di nako ma-beat, sure jud na mo land ko sa top list. Driving force to nakong premyo sa UC, and akong main inspiration is akoa jud parents.” Nakatanggap pa rin siya ng Php120,000 mula sa University of Cebu bilang incentive.

Kaya naman ngayon ay malaki ang naging pasasalamat niya sa pinasukang unibersidad. Ika pa niya, “Though my college journey isn’t that perfect and ideal, this university has greatly helped me overcome, excel, and improve as an individual. UC will forever be part of my story.”

Dagdag pa niya, hindi raw niya inakala na makatatapos siya sa pag-aaral dahil sa problema ng kanilang pamilya sa pera. Pero dahil matatag ang kanyang determinasyon para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya kaya talagang nagpursige siya. Isang inspirasyon kung maituturing ang hindi pagsuko ni Mark para sa kanyang pangarap.

 

 

COMMENTS