Awra Briguela, naging Dyosa ng kagandahan sa kanyang naging 18th birthday celebration!

Awra Briguela, naging Dyosa ng kagandahan sa kanyang naging 18th birthday celebration!


Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ay ang pagdiriwang natin ng ating kaarawaan na kahit sa gitna ng pandemya ay gumagawa pa rin tayo ng paraan upang

Catriona Gray admits, “I’m very lambing” with boyfriend, Sam Milby.
Dalagang nagbibigay saya kay Jimuel Pacquiao, isa pala sa mga bagong talent ng Star Magic!
Edu Manzano, pinandigan na hindi siya sasakay ng Cebu Pacific hangga’t hindi tinatanggal ang isang Piloto nang-insulto umano kay VP Leni.

Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ay ang pagdiriwang natin ng ating kaarawaan na kahit sa gitna ng pandemya ay gumagawa pa rin tayo ng paraan upang ito ay ating maipagdiwang. Sa panibagong taon nga na nadagdag sa ating buhay ay labis na nating ipinagpapasalamat dahil sa kabila ng mga pagsubok nanatili pa rin tayong malakas.

Ganito na lamang ang naramdaman ng teen star comedian at vlogger na si Awra Briguela nang kanyang ipagdiwang kamakailan lamang ang kanyang 18th birthday. Ang naturang birthday party ni Awra ay talagang napaka-bongga dahil star-studded ito ng mga celebrity guest kasama ang kanyang pamilya at malalapit niyang mga kaibigan.

Samantala, kapansin-pansin naman ang iba’t ibang klase ng mga bulaklak na nagpaganda sa lugar at background sa entablado. Gawa ito ng Ginger Events Styling at talaga namang naging parang isang paradise ang event center. Kapansin-pansin naman ang mga paru-paro sa paligid at special request ito ng comedian dahil isa ito sa kaniyang mga paborito. Syempre hindi rin mawawala sa espesyal na okasyon ang mga balloons, cake at masasarap na pagkaing inihain para sa mga bisita.

Kapansin-pansin din ang blooming ngayon ni Awra at mala-dyosa ang dating ng kanyang suot na vibrant blue mini gown. Kung saan ito ay bumagay sa kanyang outfit pati na rin ang kanyang hairdo na nilagyan ng mga kumikinang na mga brilyante kaya naman nagmukha itong isang paru-paro.

Kahit ang kanyang simpleng make-up ang mas lalong nagpa-angat sa kanya kagandahan pati na rin ang mga suot nitong accessories na tila mamahalin. Hindi rin papakabog ang kanyang debut photoshoot na sa tulong ng kaibigan at photograper na si Alan Segui ay naisagawa niya ang isang dreamy-floral photoshoot.

At para naman ma-achieve ang mga gusto niyang looks ay nagtulungan sina Marina Summers at Prince Marrell na parang Hollywood actress nga ang dating ni Awra sa kanyang mga larawan. Talaga namang na-master na niya ang pag-awra sa harapan ng camera.

Sa kanyang Instagram post, “Grateful for small things, big things and everything in between.”

Makikita kung gaano ga-blessed si Awra at bago nga sumapit ang kanyang 18th birthday dahil bago pa man dumating ang kanyang kaarawang ito ay natupad na ang kanyang pangarap na maging isang sikat na celebrity.

COMMENTS