Isang babae ngayon ang nag-viral online dahil ibinenta nito sa Facebook live selling ang mga gamit ng kanyang asawa na nagkaroon ng ibang babae!

Isang babae ngayon ang nag-viral online dahil ibinenta nito sa Facebook live selling ang mga gamit ng kanyang asawa na nagkaroon ng ibang babae!


Naging usap-usapan ngayon sa social media ang isang single mom matapos nitong magbenta ng mga gamit ng kanyang asawa sa Facebook live selling nito. Ay

Parody ni Michael V na ‘Essential Lang’ na tungkol sa issue ng lugaw, umabot ng libo-libong views!
Aktres na si Ellen Adarna ibinahagi ang pagtanggal ng kanyang br3ast silicone implant, “I can now breathe properly”!
Melai Cantiveros, blooming na blooming sa mga bagong upload nitong pictures sa Instagram.

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang isang single mom matapos nitong magbenta ng mga gamit ng kanyang asawa sa Facebook live selling nito. Ayon sa ulat ng PhilSTAR Life siya ay kinilalang si Jamille Margarita Galvez. Ang live selling na ito ni Jamille ay talaga nga namang nag-trending dahil sa kadahilanan kung bakit niya ibinenta lahat ng mga gamit ng kanyang asawa.

This image has an empty alt attribute; its file name is jamille1.png

Ayon kay Jamille, nagkaroon umano ng ibang babae ang kanyang asawa kanya naman upang siya ay maka-move on sa kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak ay ibinenta niya lahat ng gamit ng kanyang naturang asawa. Dagdag pa niya, kahit daw may sentimental value ito sa kanya ay hindi na daw ito mahalaga dahil mas masakit raw ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng kanyang asawa. Matapos siyang ipagpalit ng kanyang asawa sa ibang babae naisipan niyang magbenta na lang online ng mga gamit nito upang makatulong sa pang-araw-araw nilang gastusin nilang mag-iina.

This image has an empty alt attribute; its file name is jamille2.png

Aniya, “Siguro po, ito po yung nilagay ni God sa isip ko siguro po para makabawi man lang din po at para din panggastos sa mga anak ko.”

Ang kanyang ginawang Facebook live selling ay nagbigay ng kakatawanan sa mga netizens kung saan ito pa ay may nakakaaliw na caption na, “Mga gamit ng sumakabilang bahay na asawa live selling.”

“Buy at your own risk, may sumpa ‘to. Sigurado magiging babaero yung BF o asawa niyo! Unang suot, fuccboi agad! May bonus pang pagiging sugalero!” dagdag pa niya.

This image has an empty alt attribute; its file name is jamille3.png

Pagbabahagi pa ni Jamille, habang inaayos niya umano ang mga gamit ng kanyang asawa upang ibenta na ito online ay nakita niya pa ang isang Valentine’s letter nito para sa ibang babae nito. Ika niya, “Sa kabit ng asawa ko, iyong iyo na yan girl! Kahit sa 2nd life, magsama kayo!”

Ang live selling na ito ni Jamille, ay umabot na sa Php200,00 ang kinita nito dahil sa karamihan sa mga gamit na ito ay mga bago pa lalo na ang mga damit at sumbrero nito na ginawa niyang sale lahat. Ito ay upang maubos lahat at walang matirang gamit ang kanyang asawa sa kanilang bahay.

This image has an empty alt attribute; its file name is jamille4.png

Patawang pahayag ni Jamille, “’Wag mag-mine kung ‘di mo kaya panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko.”

Umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens kung saan ang iba ay talaga nga namang sinuportahan siya.

COMMENTS