Kilalanin ang Isang lalaking double-degree holder, ngunit mas piniling maging isang farmer!

Kilalanin ang Isang lalaking double-degree holder, ngunit mas piniling maging isang farmer!


Marami sa mga tao ngayon ang may tinapos na magagandang kurso sa pag-aaral, kung saan nagagamit nila ang kanilang tinapos na kurso sa kanilang mga nap

Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda!
Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?
Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.

Marami sa mga tao ngayon ang may tinapos na magagandang kurso sa pag-aaral, kung saan nagagamit nila ang kanilang tinapos na kurso sa kanilang mga napapasukang mga trabaho. Ngunit, mayroon din namang mangilanngilan na ang kanilang nagiging trabaho ay hindi akma sa kursong kanilang natapos. Pero sa kabilang banda, sino nga ba naman ang mag-aakala na kung sino pa ang iniwan ang kursong tinapos sila pa ang magiging successful sa buhay.

Katulad na lamang ng kinilalang si Mark Ezzer Ligan na isang double-degree major at isang kilalang basketball player na mas piniling maging isang magsasaka kesa magtrabaho ng kanyang natapos na kurso. Ayon kay Mark marami umanong nagtatanong sa kanya kung bakit ang pagiging farmer ang kanyang pinili na career.

Aniya, “Who says there’s no money in farming?”

Siya ay tubong Murcia, Negros Occidental at pagiging isang seaman umano ang kanyang unang pangarap sa buhay. Dahil nga malayo ang lalakbayin ng pagiging isang seaman kaya hindi siya pinayagan ng kanyang ina na mapalayo sa kanilang pamilya. Dalawa lamang silang magkapatid at isa ring siyang basketball varsity player.

Nakapagtapos si Mark ng dalawang kurso una ay ang Interdisciplinary Studies at ang Marketing Management sa University of Saint La Salle sa Bacolod City noong 2018. Gayunpaman, sa halip na ipagpatuloy niya ang paglalaro ng basketball o kanyang ang career sa alinman sa dalawang kursong tinapos niya, mas pinili niyang maging farmer.

Ayon kay Mark sa kanyang naging panayam sa SunStar Bacolod noon lamang May 1, 2021, ang pagiging farmer umano ay isang calling. Ika pa niya, “You will never know when it will strike you. I have ventured a different path, far from what I have finished in college.”

Dagdag pa niya nagsimula siyang magkaroon ng interes sa farming noong third year college siya. Requirement nila noon ang magpasa ng feasibility study, at tungkol sa pagsasaka ang ginawa niya, “In order to learn, I need to apply my feasibility study,” pagkukwento pa niya.

Kanya naman taong 2017 ay sinimulan niyang i-develop ang kanyang sariling farm ang MBL Integrated Farm. Ang farm na ito ay may sukat na tatlong ektarya ay pag-aari ng kanilang pamilya ngunit walang nakatanim. Sinimulan niya itong taniman ng talong, okra, papaya, guyabano, langka, niyog at iba pa. Nag-alaga rin siya ng mga kambing na galing Australia, baka, kalabaw at manok.

“I was able to start and eventually sustain the farm through the help of my family.”

At isa sa mga naging goal ni Mark ay ang patunayan na may pera sa pagsasaka. Sa umpisa, nagpokus siya sa pag-aalaga ng kambing.

Batay sa kanyang research, ang populasyon ng kambing sa Pilipinas ay nasa anim na milyon lang, pero 80 percent ng mga Pinoy ay goat-meat eaters. Dalawa rin lang ang commercial goat farms sa ating bansa, kaya malakas ang demand sa karne ng kambing.

Saad pa niya, “For goats alone, there’s a huge market both for dairy and meat.

“So who says there’s no money in farming?”

Tinukoy niya na ang karne ng chevon goat ang pinakamahal na karne ng kambing sa Negros Occidental, at nasa Php500 ang isang kilo nito. Para naman madagdagan ang kanyang kaalaman sa agriculture, nag-attend si Mark ng mga seminars and training. Naging mahilig din siyang magbasa ng mga libro at manood ng mga online tutorials tungkol sa farming, lalo na ang pagpaparami ng kambing.

Naging matagumpay si Mark sa pag-aalaga ng kambing. Dahil sa ganda ng kalidad ng kanyang mga alaga, naibebenta niya ang isang five-month-old goat for PHP30,000. Bukod pa rito ang kita niya sa mga gulay at ibang ani. Dahil dito, taong 2019 ay hinirang siya bilang Outstanding Young Animal Raiser ng Provincial Government of Negros Occidental.

Pagbabahagi niya, “You will never call yourself successful if you are not able to help others.”

Ipinagmamalaki kasi ni Mark bilang farmer na nakatutulong siya na magkaroon ang mga kapwa niya Pilipino ng pagkain sa mesa. Nang pumutok ang pandemya at tumaas ang demand sa pagkain sa Pilipinas, hindi niya inihinto ang operasyon ng kanyang farm at ang pagde-deliver sa mga palengke.

Ayon pa kay Mark, “We continue to grow crops and raise animals. In fact, we even produced more eggs, vegetables, corn, and fresh milk.

“Food is very essential during this time, and it is our responsibility as farmers to make sure that there’s available food on every family’s table.

“We are more motivated to produce more.”

Bukod naman sa pandemya, isa sa matinding challenge para sa farmers gaya ni ni Mark ang mahabang panahon ng El Niño o tagtuyot. Gayunpaman, lagi raw siyang may positive outlook sa bawat hamon.

“Life will not give you what you want, it will give you what you deserve. So if you want something, you will work hard for it.”

Bukod sa patuloy na production ng livestock and crops, layunin din ni Mark na maging isang farm tourism destination ang MBL Integrated Farm sa kanilang probinsiya.

 

 

COMMENTS