TINGNAN: Ang napakagandang maternity photoshoot ng celebrity mom na si Jennylyn Mercado na classical painting ang dating.

TINGNAN: Ang napakagandang maternity photoshoot ng celebrity mom na si Jennylyn Mercado na classical painting ang dating.


Maalala ngang ikinasal si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo noon lamang Nobyembre 2021, at kasabayan rin nito ang kanilang anunsyo na sila ay magkakar

Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.

Maalala ngang ikinasal si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo noon lamang Nobyembre 2021, at kasabayan rin nito ang kanilang anunsyo na sila ay magkakaroon na ng sarili nilang anak. Excited na ang celebrity mom na si Jennylyn Mercado sa paglabas ng kanyang baby girl nila ng TV-actor.

Mula sa kanyang maselang pagbubuntis hanggang sa unti-unti ng nakakaya ni Jennylyn ang kanyang pagbubuntis. Sa kanyang Instagram account ay talaga nga namang kitang-kita ang kanyang napaka-blooming na mukha. Kaya naman sa mga larawan ng aktres hindi maitatanggi ang kanyang mala-diyosang kagandahan.

At sa kanya ngang maternity photoshoot ay ibinahagi ng aktres sa kanyang mga fans ang kanyang mala-diyosang mga larawan na tila ito ay isang classical painting. Ang celebrity photographer ni Jennylyn na si BJ Pascual ang may kuha ng napakagandang larawang ito.

Mapapansin na ang maternity shoot na ito ng aktres ay hindi basta typical na larawan lamang dahil ito ay ginawang classical painting upang maging kakaiba ang dating. Sa tulong rin ng kanyang make-up artist na si Mikka Marcaida, hairstylist na sina Raymond Santiago, Aj Alberto, at Ian Vinarao, na-achieve nila ang napakagandang looks ng aktres.

Makikita na talagang binigyang pansin ni BJ Pascual at ng buong team kahit ang mga minutong detalye para sa maternity shoot na ito. Ibinahagi mismo ang nakamamanghang maternity shoot sa vlog ni BJ Pascual. Marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang nasiyahan at labis na nagandahan sa kanyang maternity photoshoot.

Kahit na preggy, ay kitang-kita pa rin ang kaseksihan ng aktres na talaga nga namang napaka-hot momma nito. Blooming na blooming si Jennylyn sa kanyang pagbubuntis ngayon. Pati mga kapwa artista ng aktres ay nagbigay ng kanilang papuri sa napakagandang maternity photoshoot na ito ni Jennylyn.

 

COMMENTS