Mariel Padilla, inaming kinailangan niyang magtrabaho upang maibili niya ang kanyang mga sariling luho!

Mariel Padilla, inaming kinailangan niyang magtrabaho upang maibili niya ang kanyang mga sariling luho!


Direstahang inamin ngayon ng TV-actress na si Mariel Padilla ang dahilan kung bakit kailangan niyang kumita ng sarili niyang pera. Sa naging panayam k

ALAMIN: Liza Soberano aalis na sa poder ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, at magiging bagong talent manager na si James Reid?
Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!
Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.

Direstahang inamin ngayon ng TV-actress na si Mariel Padilla ang dahilan kung bakit kailangan niyang kumita ng sarili niyang pera. Sa naging panayam kay Mariel ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa YouTube channel nito ibinahagi niya ang kanyang dahilan.

Ayon kay Mariel, kinailangan niyang kumita ng sarili niyang pera upang mabili niya ang kanyang mga luho. Dito agaran niya ring sinagot ang tanong sa kanya kung totoo nga bang kaya siya nagla-live selling ay para makatulong sa kanyang asawang si Robin Padilla dahil ito ay tumatakbo bilang isang senador.

Saad naman ni Mariel, “Yes, most of ‘yung kinikita ko talaga ipinangbibili ko ng tarp, pinangpapagawa ko ng t-shirt.”

Napag-usapan rin nila ang pagiging mapagbigay ni Robin sa tao at hindi niya raw ito mapigilan. Ipinapaliwanag din ni Mariel sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala lagi sa kanilang bahay si Robin.

Aniya, “Financially pag sinabing dito mag-aaral sa mga ano, ibinibigay niya iyon sa mga anak niya. It was my choice of school and ‘yung everyday when he is not home, I always explain to the kids, ‘daddy is working so that we can have food.’  At that age ini-explain ko sa kanila kasi siyempre hinahanap nila ‘yung tatay nila. He is a good father, so, hindi ako puwedeng magreklamo.”

Inamin din dito ni Mariel na hindi naibibigay ni Robin ang kanyang mga luho kaya naman kinakailangan niya talagang magtrabaho para may pambili siya ng kanyang sariling mga pangangailangan. Pero naiintindihan din naman niya kung bakit hindi nabibili ni Robin ang kanyang mga luho.

Ika pa niya, “Kaya ako nagtatrabaho para ‘yung mga sarili kong luho mabibili ko kasi hindi naman ako bibilhan ni Robin Padilla ng mga luho ko which is fine because ‘yung necessity namin, kanya, ‘yung everyday, pa-aircon favorite ng mga anak ko mana sa nanay..”

Iginiit din dito ni Mariel na wala siyang karapatang mag-demand, dahil sinisiguro naman niya na hindi hinahayaan ni Robin na maghirap silang mag-ina.

 

 

 

COMMENTS