Ruffa Gutierrez, itinanggi ang kumakalat na balitang siya ay nagdadalantao kay Senatorial candidate Herbert Bautista.

Ruffa Gutierrez, itinanggi ang kumakalat na balitang siya ay nagdadalantao kay Senatorial candidate Herbert Bautista.


Nagsalita na ang TV-actress na si Ruffa Gutierrez tungkol sa mga balitang kumakalat sa social media patungkol di-umano sa kanyang pagbubuntis at pagpa

Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?
Erich Gonzales, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanyang masayang buhay kasama ang kanyang asawang Afam!

Nagsalita na ang TV-actress na si Ruffa Gutierrez tungkol sa mga balitang kumakalat sa social media patungkol di-umano sa kanyang pagbubuntis at pagpapakasal kay senatorial candidate Herbert Bautista.

Sa kanyang Instagram post, pinabulaan niya ang mga taong tila ginagawa siyang hot topics upang maging usap-usapan sa social media.

Aniy sa caption, “Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables.”

Dito ay kanyang inisa-isa ang mga isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Herbert. Saad pa niya, “After the 75th call from a Marites, let me set the record straight. I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage. I did not admit to having a boyfriend.”

“Everyone can now take a chill pill,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ay nagsalita rin si Ruffa tungkol sa kanyang plano na iboto si Herbert at ito ang totoong balita ang kanyang pagsuporta kay Herbert. Pinagtawanan naman ng kapwa celebrities na sina Vina Morales, Donita Rose at Jackie Forster ang mga tsismis na ito at nagbiro na gusto nilang maging parte ng importante bahagi ng buhay na ito ng kaibigan.

Ang kapatid naman ni Ruffa na si Raymond ay natawa din sa mga tsismis patungkol sa kanyang ate. Ngunit, hindi pa rin maiwasan ng mga netizens ang magtaka kung ano nga ba ang totoong estado nila Ruffa at Herbert lalo pa’t number 1 sa puso ng aktres ang pagtakbo ni Herbert.

Matatandaan nga ring sinagot din ni Ruffa ang mga pasaring ni Kris Aquino patungkol kay Herbert kung saan ito ay patungkol sa pahayag ni Kris na hindi pagboto sa kanyang ex sa ilalim ng Uniteam Slate.

Samantala, ano naman ang masasabi niyo rito?

 

 

COMMENTS