Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!

Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!


Kamakailan nga lamang ay naging laman na naman ng social media ang TV-actor na si Baron Geisler. Ito ay sa kadahilanang nagkaroon sila ng hindi pagkak

Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.
Baron Geisler, proud na ibinahagi ang pagtatapos niya ngayon ng kursong Theology: ‘It’s never too late’
Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.

Kamakailan nga lamang ay naging laman na naman ng social media ang TV-actor na si Baron Geisler. Ito ay sa kadahilanang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawang si Jamie Evangelista.

Sa naturang video ngang ito ay makikitang nakahiga sa higaan ang aktor habang nakatayo sa kanyang harapan ang kanyang asawa at pagalit itong nagsasalita. Kahit na burado na ang nasabing videong ito ay marami na ang nakapanood sa social media.

Ang palaisipan pa sa mga netizens ay kung bakit si Baron pa mismo ang nagpost ng kanilang video kung saan nag-aaway silang mag-asawa sa mismong Instagram account nito. Kaya naman halos lahat ng nakapanood nito ay nagtataka kung aksidente lamang ba ang pagkakapost nito o talagang ito ay sinadyang ipost ng aktor.

Naging usap-usapan rin ito sa mismong YouTube vlog ni Ogie Diaz kung saan kanyang naikwento ang pangyayaring ito ng mag-asawang Baron at Jamie.

Pagbabahagi ni Ogie, “Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak ang misis niya at ang sabi, ‘Ano? Gusto mo magpasaklolo? Tawagan mo ‘yung sugar mommy mo. Ano? Gusto mo magpaano sa gwardya?”

At sa inis nga ni Jamie ay binato nito si Baron ng isang container na may lamang sabaw na kumalat sa binti at kama kung saan nakahiga ang aktor. Maririnig din ditong sinabi ng aktor na, “Oh my God! What is this? Sinong kailangang i-r3hab?”

Ayon pa kay Ogie, sana raw ay maayos nila ang kanilang problema at pag-usapan na lamang ito ng maayos at huwag nang i-video pa. Samantala, habang nag-viral ang naturang pag-aaway ng mag-asawa sa isa namang facebook post ng aktor ay nagpost ito ng isang public apology.

Saad ni Baron sa kanyang facebook post, “I am sorry.. know one is perfect…. I wish I had a magic book to turn things around.. I am a terrible person.” Sa comment section naman ng kanyang post sinabi ng aktor na nami-miss na niya ang kanyang asawa at nagbahagi pa ito ng iilang mga bible verse.

COMMENTS