Nanalo ng Php4.5 million ang isang Pinay OFW sa Lotto matapos niyang isapalaran ang kanyang huling pera!

Nanalo ng Php4.5 million ang isang Pinay OFW sa Lotto matapos niyang isapalaran ang kanyang huling pera!


Minsan sa buhay hindi natin masasabi ang ating kapalaran kaya naman pinupursige pa rin natin ang ating buhay upang mabuhay sa araw-araw. Simple lang n

Baby na pinanggigigilan ng netizens sa socmed dahil sa sobrang kakyutan, nilait ng kapitbahay noong bagong silang.
PWD Rider, namataang sinugod ang ulan para lamang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay.
Mala-Snow White ang kwento ng isang Pinay na nakatanggap ng proposal sa kanyang foreigner boyfriend matapos magising sa coma.

Minsan sa buhay hindi natin masasabi ang ating kapalaran kaya naman pinupursige pa rin natin ang ating buhay upang mabuhay sa araw-araw. Simple lang naman ang buhay ng tao, nagiging kumplikado lamang ito sa mga problemang dumarating sa ating buhay. Kaya naman kung ikaw ay tamaan ng swerte talagang kapalaran na ang humusga.

Kagaya na lamang ng isang Pinay na OFW na nagtrabaho sa bansang UAE upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Karamihan sa mga taong nangingibang bansa ay kumakayod ng doble upang higit na matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Tinitiis ang lungkot mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya.

Kinilala ang OFW na si Remedios Bonbon, bago siya nagtrabaho sa ibang bansa siya ay namasukan muna bilang isang katulong at bus attendant. Ngunit, dahil sa nangyaring pandemya kaya napilitan siyang makipagsapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanyang pamilya.

Sa kabila ng kanyang trabaho bilang isang domestic helper sa lahat ng pagod, hirap at lungkot na malayo sa kanyang pamilya hindi niya aakalain na mayroong isang malaking gantimpala siyang matatanggap.

Pagkukwento ni Remedios, tanging AED60 o mahigit Php820 na lamang ang natitira sa kanyang pera at lakas-loob niyang itinaya sa lotto ang kanyang huling pera sa kanyang pitaka. Dahil naniniwala siya sa kanyang panalangin ng ibibigay sa kanya ang pagkakataong manalo kaya itinaya niya ang kanyang pera. Ika pa niya, kahit apat na numero lamang ang mapabilang sa kanya ay masayang-masaya na siya.

At dahil sa kanyang pananalig, hindi lang apat na numero ang ibinigay sa kanya kundi limang numero para sa jackpot AED 333, 333 o katumbas ng Php4.5 million. Hindi lubos akalain ni Remedios na mabibigyan siya ng ganitong kalaking biyaya na naging kapalit ng kanyang pagod at hirap. Sa kanyang natanggap na biyaya pwede ng umuwi si Remedios sa kanyang pamilya at magpundar na lamang ng sarili nitong negosyo upang masuportahan niya ang kanyang pamilya.

Tunay ngang sa ganitong pagkakataon isang malaking swerte kung maituturing ang naging kapalaran ni Remedios, dahil sa kanyang maigting na pananalig siya ay ginantimpalaan.

COMMENTS