Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.


Labis ngayon ang kasiyahan ng mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla ng matupad na ang kanilang pangarap na makapagbukas ng sariling branch ng KFC.

Daniel Padilla, viral ngayon dahil sa inis niya sa isang security personnel na naghawi sa kanyang mga fans!
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia

Labis ngayon ang kasiyahan ng mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla ng matupad na ang kanilang pangarap na makapagbukas ng sariling branch ng KFC. Hindi mailarawan ang kasiyahan ni Karla nang maisakatuparan na ang kanilang pangarap na fast-food chain.

Nito lamang April 5, 2022 naganap ang grand opening ng kanilang sariling branch ng KFC. Marami sa kanilang mga tagahanga ang nagbahagi ng kanilang congralutory message. Masaya ang kanilang mga fans dahil sa panibagong milestones ng kanilang buhay bilang isang pamilya.

Sa mismong Instagram ni Karla ay kanyang ibinahagi ang special event na ito ng kanilang buhay. Inilarawan pa niya kung paano niya naging sandigan sa buhay ang kanyang mga anak.

Sa kanyang caption, “My children are My Pride, my Joy and my greatest Blessings! Wala akong mapag lagyan ng Ligaya anak, @supremo_dp Palalaguin natin ito ng magkahawak kamay kasama ng mga kapatid mo.”

Ayon pa kay Karla ay magpupursige sila na madagdagan pa ang kanilang branches para mas marami umano silang matulungan na magkaroon ng trabaho at ma marami rin silang ma-inspire dahil sa kanilang ipinakitang pagsisikap sa buhay.

Aniya pa, “Dagdagan pa natin para mas marami pa tayong ma- inspire at higit sa lahat marami pang mabigyan ng Trabaho! GLORY TO GOD”

Sa nauna niyang post ay nagbahagi din ng video si Karla sa naganap na grand opening day ng kanilang Tacloban branch. Talaga nga naman maswerte si Karla sa kanyang anak na si Daniel dahil hindi ito nagsasawang tumulong sa kanya upang mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya.

Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa pagiging mabait at mapagmahal na anak ni Daniel hindi lang sa kanya bilang ina pati na rin sa mga kapatid nito.

 

COMMENTS