Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!


Ang batikang kolumnistang si Lolit Solis ay patuloy pa rin ang pagbabatikos sa Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo. Naging maanghang nga ang mga

Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.
Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!
ABS-CBN Leading Personalities who shifted to two Rival TV Station after it’s shutdown

Ang batikang kolumnistang si Lolit Solis ay patuloy pa rin ang pagbabatikos sa Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo. Naging maanghang nga ang mga hugot nito laban sa aktres ito ay matapos umanong ipatanggal ng aktres ang pangalan ng talent manager sa mga listahan ng mga guests sa ginanap na press event para sa ineendorso nitong beauty brand product.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Manay Lolit na may balita umanong ibibigay kay Bea ang trabaho na dapat para sana kay comedienne-actress Ai Ai delas Alas. Sa mga sinabi ni Manay Lolit para tilang ipinagtatanggol pa niya si Bea ngunit may kalakip pa pala itong mga pang-iintriga laban sa aktres.

Ayon kay Manay Lolit, “Naku Salve at Gorgy ha, ayaw ko maniwala sa balita na may mga nag-iisip ibigay kay Bea Alonzo ang mga role na ginagampanan nila Aiai de las Alas at Pokwang. Hindi naman siguro tutoo iyon noh! Ang ganda at ang bata pa ni Bea Alonzo kahit na nga malapit na siyang mag 40 pero wala pang anak at asawa. Bakit naman aagawan pa ng role sila Aiai de las Alas at Pokwang, kawawa naman. Siyempre dahil bonggang star si Bea baka siya ang piliin ng producer kesa kay Aiai o Pokwang.”

Dahil dito napa-throwback tuloy si Manay Lolit sa naging relasyon nina Bea at ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Dito mariing ikinumpara ni Manay Lolit ang itsura ng girlfriend ngayon ni Gerald na si Julia Baretto kay Bea.

Ika ni Manay Lolit, na mas fresh umano ang mukha ni Julia kumpara kay Bea kaya marahil siguro ito ipinagpalit ng aktor sa mas bata pa. At layo raw ng nilamang ni Julia kay Bea hindi lang dahil mas bata ito bagkus mas kaakit-akit di-umano ang batang aktres.

Saad ni Manay Lolit, “Kaya siguro mas pinili ni Gerald Anderson si Julia Barretto dahil imagine mo ang laki ng difference pag nagtabi sila Bea at Julia, mukhang yummy at batang bata si Julia compared kay Bea. So ghosting ang Gerald, hah hah hah.”

 

 

COMMENTS