Raquel Pempengco naglabas ng hinaing sa kanyang anak na si Jake Zyrus, “Sobrang s4kit po pero hindi dahil sa pera…”

Raquel Pempengco naglabas ng hinaing sa kanyang anak na si Jake Zyrus, “Sobrang s4kit po pero hindi dahil sa pera…”


Sa kabila ng pagluluksa4 ng pamilya ni Raquel Pempengco na ina ni Jake Zyrus ay nagbigay ito ng kanyang saloobin patungkol sa kanyang anak. Ito ay mat

Herlene, nakatanggap ng brand new ‘Iphone 12’ mula kay Ivana Alawi.
Judy Ann Santos, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng luxury bags.
Anak ni Karla Estrada na si Magui Ford Pasok sa Top University sa Australia

Sa kabila ng pagluluksa4 ng pamilya ni Raquel Pempengco na ina ni Jake Zyrus ay nagbigay ito ng kanyang saloobin patungkol sa kanyang anak. Ito ay matapos lumabas ang balitang nagpadala umano ng tulong si Jake sa kanilang pamilya upang makapagbigay ng tulong pinansyal sa pagpapalibing ng yumaong ina at kapatid ng kanyang inang si Raquel.

Ayon sa pahayag ni Mommy Raquel, wala umanong katotohanan na may nakausap daw ang talent manager ng singer-songwriter sa kanilang pamilya tungkol sa kinakaharap nilang pagsubok ngayon.

Saad pa niya, “’Yun lang po ang hinanakit ko po, na naglabas sila nag-reach out sa amin.”

Dagdag pa nito, “Tinanong ko po ‘yung kapatid kong babae, kung nag-reach out sa kanya ang kampo ni Charice, si Jake. Sabi niya, wala ate, walang nag-ano sa akin.”

Ani pa ni Mommy Raquel, ang nais lamang niya ay ang oras na makapiling nila ang kanyang anak sa kalagitnaan ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya. At wala na raw siya pakialam sa kung anumang tulong pinansyal ang kailangan nila.

Batid nito, “Alam ko pong nagluluksa siya, pare-pareho kaming nagluluksa. Pero sa panahon po ngayon, dapat po magsama-sama ang pamilya po?

“Hinintay lang po namin. Kung ayaw naman po niyang tumulong, magparamdam lang na kahit na ‘Mommy o Carl, o Tita Neneng, nakikiramay ako, malayo ako rito.

“Or iparamdam man lang sa kanyang management o iparating sa kanila na malayo ako, hindi ako makarating. Naintindihan na lang po namin ‘yun.”

Sinabi din ni Mommy Raquel na hindi siya galit dahil sa pera kundi dahil sa hindi man lang daw nasilip ni Jake ang kanyang tiyuhin at lola.

Aniya, “Sobrang sakit po. Kasi ang dapat na sasandalan ko ngayon ‘yung anak ko, pero wala siya. Hindi dahil sa pera, kundi sa nandiyan siya.

“Pero dahil du’n… ‘yun po ang ikinasasama ng loob ko na naglabas sila na nagsasabing nagri-reach out sila, hindi naman.

“Sana po, kung alam nilang namimighati ang pamilya nila, huwag nang mag-ano ng ganyan ganyan na salita.”

Pumanaw ang ina at kapatid ni Mommy Raquel noong nakaraang linggo lamang at kasabay nga nito ang kanyang panawagan na sana’y madamayan at matulungan sila ni Jake dahil kulang na kulang daw sila ngayon sa budget. Matatandaang naglabas ng official statement ang kampo ni Jake tungkol sa pumanaw nitong lola at tiyuhin, humiling ito ng privacy para sa kanyang pagdadalamhati.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately. We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” ika ni Jake sa kanyang naturang statement.

Kaya naman masakit para sa isang ina ang hindi man lang madamayan ng kanyang anak sa panahon ng kalungkutan nito.

COMMENTS