Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!

Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!


Ang pagiging isang matagumpay na negosyante ay hindi lamang naka base sa talion ng isang tao. Sapagkat ito rin ay nakikita sa kasipagan, tiyaga at dis

Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!
Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.

Ang pagiging isang matagumpay na negosyante ay hindi lamang naka base sa talion ng isang tao. Sapagkat ito rin ay nakikita sa kasipagan, tiyaga at diskarte nito sa buhay. Aanhin mo nga naman ang talino kung hindi ka naman madiskarte sa buhay.

Katulad na lamang ng isang inspiring story ng businessman na si Kel Pascual na isa sa mga sikat na negosyanteng may negosyong lechonan sa bansang Pilipinas. Ayon kay Kel, bata pa lamang siya noon gustong gusto na niya ang pagnenegosyo sa katanunayan sa edad na 9 na taong gulang ay nagbebenta na siya ng mga bake goods sa kanilang klase.

Dahil na rin sa hilig ni Kel sa pagluluto kumuha siya ng kursong Cullinary Arts ngunit dahil na rin sa mahal ang tuition fee nito kaya hindi kinaya ng kanyang pamilya ang kanyang pag-aaral lalo pa’t nawalan noon ng trabaho ang kanyang ama. Kaya napilitan noon si Kel na magdrop-out na lang sa pag-aaral at mamasukan na lamang bilang isang call center at financial advisor upang makatulong na rin sa kanyang pamilya.

Ang kwentong ito ni Kel ay kanyang ibinahagi sa naging panayam sa kanya ng TV show na ‘May Puhunan’ ng ABS-CBN. Aniya, “At first, nagself- pity ako. Naawa ako sa sarili ko. Naiinggit ako sa mga ka-batchmates ko kasi nakikita kong nagiinternship na sila. Ako naisip ko, anong sunod sa akin?”

Pero dahil hindi mawala sa puso ni Kel ang pagluluto at pagnenegosyo, sinubukan niyang magtinda ng mga lutong gulay at lechong belly sa mga Bazaar. Siya ay namuhunan ng Php4,000 at napalago niya ito ng hanggang sa naging Php9,000 na ito. Dito na nagtuloy-tuloy si kel sa kanyang lechon business kung saan pinangalanan niya itong ‘Manilachon’ na may handog na crispy at sobrang sarap na lechon bellies.

Dahil wala pa siyang sapat na puhunan upang bumili ng oven kung saan kailangan niya para mas madaming ma-produce na maraming crispy lechon belly, nagrent siya sa kanyang pinsan na nagmamay-ari ng isang bakery kung maari niyang marentahan ang oven nito.

Naging motivation din ni Kel ang mga kasabihan na, “The key to success is to look for one product and be good at it”. Kaya naman hindi tumigil si Kel sa pag-improve ng kanyang produkto, at sinikap niyang mag-research upang mapasarap pa ito lalo.

Kaya naman noong nahit na ni Kel ang Php30,000 na kita sa isang araw dito na mas lalong lumakas ang loob niya na mas palakihin pa ang kanyang negosyo. Kaya naman kahit walang diploma nagawa niyang maging isang matagumpay na negosyante at dahil ito sa kanyang sipag at pagmamahal sa pagluto.

Ganun na rin ang hindi niya pagsuko sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay at higit sa lahat ay ang pananampalatay niya sa Panginoon na gagabayan siya nito sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

Tunay ngang isang inspirasyon si Kel para sa lahat ng tao na may pangarap sa buhay na dapat ay hindi sumusuko sa laban ng buhay basta’t para sa pangarap.

 

 

COMMENTS