Ang sumikat na Community Pantry dahil sa pandemya, nag-celebrate ng ika-1st anniversary nito!

Ang sumikat na Community Pantry dahil sa pandemya, nag-celebrate ng ika-1st anniversary nito!


Halos buong mundo ay talagang naapektuhan ng nangyaring pandemya ng mga nagdaang dalawang taon. Marami sa mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa m

Nanalo ng Php4.5 million ang isang Pinay OFW sa Lotto matapos niyang isapalaran ang kanyang huling pera!
Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.

Halos buong mundo ay talagang naapektuhan ng nangyaring pandemya ng mga nagdaang dalawang taon. Marami sa mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga itinalagang mga protocols ng mga bansa. Kaya halos karamihan sa mga taong mahihirap ay lalong naghirap. Magkagayun man, nauso naman ang tinatawag na bayanihan kung saan lahat ng tao ay nagtulungan upang malabanan ang kagutuman na dala ng pandemya.

Dito umusbong ang tinawag na ‘Community Pantry’ kung saan pwedeng kumuha ng mga supply ng pagkain na naaayon sa pangangailangan sa araw-araw habang naka-lockdown ang iba’t ibang lugar dito sa bansang Pilipinas. Ito ay isang uri ng bayanihan upang matulungan ang mga taong mahihirap na hindi makalabas ng kanilang mga tahanan upang maghanapbuhay.

Isang may mabuting pusong netizen na kinilalang si Ana Patricia “Patreng” Non ay nagsagawa ng isang selebrasyon upang muling balikan at alalahanin ang unang pagkakaroon ng community pantry na nagsimula lamang sa isang maliit na bamboo stall sa Maginhawa, Quezon City. Ang community pantry na ito ay nagsimula sa adhikain mismo ni Patricia na makatulong sa kanyang mga kababayan.

Sa facebook post ni Patricia, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga volunteers na nagbahagi ng kanyang adbokasiya na isulong ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng mapagkukunan ng libreng pagkain sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng lockdown. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat dahil ang kanyang inisyatiba na makatulong ay nagresulta sa kabuuang 6,700 pantry sa buong bansa Pilipinas.

“Happy anniversary po sa lahat ng pumila, nagbigay, sumuporta at nag-organize ng Community Pantry sa buong bansa! Maraming salamat po dahil na transform natin ang usapin ng pagkain sa pagpapahalaga sa buhay at kabuhayan natin. Madami po ako natutunan sa inyo. Favorite ko po ang pagbibigay ng pag-asa ng ating Community Pantries sa atin. Favorite ko din po na ang mga simpleng mamamayan ang bida at tayo magpapalaya sa atin. Malawak pala ang maaabot ng pagmamahal maski sa oras na pinaka-gipit tayo. Yakap po! Tuloy-tuloy lang po tayo hanggat’ kaya!”

Nawa’y marami pa ang kagaya ni Patricia na ang laging iniisip ay ang makatulong sa kanyang kapwa lalo sa panahon ng pangangailangan handa siyang magbigay ng kanyang tulong sa abot ng kanyang makakaya.

COMMENTS