Gerald Anderson, ipinasilip sa kanyang mga fans ang kanyang napakagandang beach resort, na isa sa kanyang mga investment.

Gerald Anderson, ipinasilip sa kanyang mga fans ang kanyang napakagandang beach resort, na isa sa kanyang mga investment.


Karamihan ngayon sa mga celebrity ang nahilig na sa pag-iinvest kagaya na lamang ng mga land property, house and lot at mga business property. Ito lan

Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.
Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.

Karamihan ngayon sa mga celebrity ang nahilig na sa pag-iinvest kagaya na lamang ng mga land property, house and lot at mga business property. Ito lang naman ang bunga ng kanilang pagsisipag at pagpupuyat sa kanilang mga tapings. At isa na nga rito ang TV-actor na si Gerald Anderson, na ipinasilip sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang kanyang ipinatayong beach resort na may magandang spot para sa bonfire at jacuzzi.

Sa YouTube vlog ng aktor nagkaroon siya ng tour kung saan kanyang masayang ipinakita ang kanyang naturang beach resort sa Zambales na pinangalanan niyang Hayati Beach Resort na nagsimula nang mag-operate nung Oktubre nito lamang nakaraang taon. Dito ipinasilip ng aktor ang mga nangyayaring pagbabago sa pagpa-improved ng kanyang resort. Makikitang mas marami ngayon ang amenities at facility ng kanyang resort kabilang na nga rito ang basketball court, outdoor gym, gazebo, secret garden, bonfire spot, yoga area, at isang jacuzzi.

Ipinasilip din ni Gerald ang kanyang mga cabin area kung saan mula sa dalawang tao ang pwede mag-stay hanggang 10 katao na ang pwedeng mag-accommodate. Ang naturang resort na ito ay mayroon ding ilang picture perfect spot para sa mga gustong kumuha ng mga selfie. At isa rin sa nagpaganda ng resort na ito ay ang personal room ni Gerald na tinawag niyang “glass house,” dahil napapalibutan ito ng salamin na nagbibigay sa kanya ng magandang view ng beach.

Aniya, “As you can see in the front, puro glass. Para yung view [ko agad, ‘yung beach]. Dito ako gumigising, [then] ito ‘yung una kong nakikita. Bago matulog o bago mag-sunset, kita mo na ‘ yung view mula sa loob.” Sa mga naghahanap ng magandang summer get-away pwedeng pwede na itong Hayati Beach Resort ni Gerald!

 

COMMENTS