Isang Amerikana ngayon ang kumikita ng $200,000 nang dahil lamang sa pagbebenta ng kanyang utot, “UTOT for SALE!”

Isang Amerikana ngayon ang kumikita ng $200,000 nang dahil lamang sa pagbebenta ng kanyang utot, “UTOT for SALE!”


Isang nakakamanghang kakayahan ng isang amerikanang kinilalang si Stephanie Matto ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media matapos itong magbenta n

Isang nakakamanghang market vendor ang nasungkit ang pagiging Mayor mula sa isang Doktor!
Isang nakakamanghang senior citizen ang matiyagang nagkolekta ng 36,000 tickets sa video arcade para sa kanyang pangarap na air fryer!
PARK SEO-JOON STILL IN AWE AFTER MEETING HIS FILIPINO FANS, SET TO COME BACK AFTER THE PANDEMIC

Isang nakakamanghang kakayahan ng isang amerikanang kinilalang si Stephanie Matto ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media matapos itong magbenta ng kanyang mga fart o mas kilala sa tawag na utot online. Isa si Stephanie sa mga sikat na YouTuber sa ibang bansa at una siyang nakilala sa reality show na 90 Day Fiancé.  Sa edad na 31-taong gulang ay mas lalo siyang napag-uusapan dahil sa kanyang pagbunyag ng kanyang kakaibang negosyo at talaga nga namang malulula ka sa laki ng kinikita nito. Saad niya, “Due to popular demand, I have finally decided to start selling my jarred farts.”

Ito ay isa sa mga milestones na maituturing ni Stephanie dahil naging successful siya dahil rito. Ngunit sa kabilang banda aminado din naman siyang hindi niya inaasahan na seseryosohin ng mga tao ang kanyang naturang negosyo. Gayunpaman, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang mga fans na ipagpatuloy niya ang pagbebenta niya ng kanyang utot ay mas lalo pa siyang naging pursigido na ipagpatuloy ito. Aniya, “I always thought that was a complete joke.”

Sa kanyang unang linggo na pagbebenta ay inilalagay niya isang glass container ang kanyang utot na may flower petals upang ma-preserved ang amoy nito at may kasama pa itong personalized note galing mismo kay Stephanie. At sa hindi nga inaakalang pagkakataon ay naging matagumpay ang kanyang unang linggong pagbebenta. Ang bawat glass container na ito ay nagkakahalaga ng $1000 at kumita agad siya ng halos $50,000 o mahigit Php2 million. Lagpas na sa 100 pirasong glass container na ang kanyang naibebenta at lahat ito ay sold out.

Samantala, umani naman ng batikos ang pagbebentang ito ni Stephanie, marami ang nagtatanong kung gaano karaming mga utot ang kanyang nagagawa. Ayon naman kay Stephanie, kaya raw umutot ng 97 beses sa loob ng dalawang araw. Ibinabahagi rin nito sa kanyang mga followers ang mga proseso at diet na kanyang ginagawa para mapanatili ang supply na kanyang ibinebentang utot. Pagbabahagi niya, nilagang itlog, beans at yogurt ang madalas niyang kaninin at mahilig siyang magbasa ng libro habang naghihintay na madevelop sa kanyang tiyan ang hangin na kanyang ilalabas.

Marami ang tumangkilik at tumaas ang demand ng kanyang pagbebenta hanggang sa umabot na ito sa $200,000 ang kanyang kabuuang kinita dito. Ngunit makalipas ang ilang linggo lamang ay na-ospital si Stephanie. Ayon di umano sa mga doktor na sumuri sa kanya ay naapektuhan ang kanyang kalusugan dahil sa kanyang ginagawang diet at labis na pag utot. Ika niya, “It was made clear that what I was experiencing wasn’t a stroke or heart attack but very intense gas pains”.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil muna ni Stephanie ang kanyang negosyo, ngunit umaasa pa rin siya na muli niyang maibabalik ang pagbebenta ng kanyang utot.

 

 

 

 

COMMENTS