Aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion, pinalakas ang loob ni Herlene Budol para sa nalalapit na laban nito ng Bb. Pilipinas 2022!

Aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion, pinalakas ang loob ni Herlene Budol para sa nalalapit na laban nito ng Bb. Pilipinas 2022!


Bilang isang dating beauty queen ang TV-actress na si Alma Concepcion ay todo ang kanyang pagsuporta kay Herlene Budol sa pagsali nito sa Bb. Pilipina

Lyca Gairanod, pina-wow ang mga netizens sa kanyang mga s3xy photos kung saan kitang kita ang pagiging ganap na dalaga nito!
US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.
Celebrity dad Dingdong Dantes, shares cute photos of his son, Sixto, looking at ‘chicks’.

Bilang isang dating beauty queen ang TV-actress na si Alma Concepcion ay todo ang kanyang pagsuporta kay Herlene Budol sa pagsali nito sa Bb. Pilipinas 2022. Ayon sa aktres naniniwala siya sa kakayahan ni Herlene na maging isang beauty queen. Bahagi ng kanyang pagsuporta kay Herlene siya ay nagbigay ng ilang tips upang maisakatuparan ni Herlene ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen. Bilang siya ang dating kinoronahang Bb. Pilipinas International taong 1994 siya ay nagbigay ng magagandang tips hindi lamang para kay Herlene kundi para na rin sa mga pinay na lalaban sa mga international pageant.

Unang tip ng aktres, kailangang karirin at seryosohin ng mga kandidata ang pagsali sa beauty pageant ang kanilang mga training dahil dito talaga nagsisimula ang journey ng isang kandidata. Saad ng aktres, “You have to know kung saan ka weak and then ’yon na lang ’yung homework mo kasi you will really have to improve every day especially when there’s a competition coming up.” Dagdag pa nito, “Dati, nag-train ako for free sa mga gusto sumali ng pageants and always tell them that overpreparation is always better than underpreparation. Siyempre sasali ka, ang goal mo na dapat, manalo.”

Bukod sa pagpe-prepare physically para sa sasalihang pageant, kailangang ihanda rin ng mga kandidata ang kanilang utak. Ika pa ni Alma, “You have to think like an athlete. Kailangan ang attitude nila lagi, ‘eyes on the prize’.” Pagbabahagi pa ng aktres na talagang na-excite siya nang malaman niyang sumali si Herlene sa Bb. Pilipinas 2022. Magkasama ang dalawa sa isang TV series kaya naman todo ang pagsuporta ni Alma kay Herlene.

Ayon pa kay Alma, ay napakalaki ng chance ni Herlene na manalo dahil bukod sa kanyang ganda at height, napakseksi rin nito at may strong personality. Payo lang dating beauty kay Herlene, ay isapuso lang niya ang lahat ng ginagawa niyang training dahil naniniwala siya na mas okay na ang maging “overprepared” kesa “underprepared.”

 

 

COMMENTS