Aktres na si Toni Gonzaga, tinapunan umano ang isang OJT ng tissue matapos daw itong ipunas sa kanyang kili-kili!

Aktres na si Toni Gonzaga, tinapunan umano ang isang OJT ng tissue matapos daw itong ipunas sa kanyang kili-kili!


Hindi na talaga paaawat sa social media ngayon sa TV-host at aktres na si Toni Gonzaga matapos na naman nitong maging usap-usapan sa social media. Kun

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?
Hopia from ‘Going Bulilit’ looks incredibly stunning in her Prenup Shoot.
8 Adorable Celebrity Babies that will Definitely Melt Your Hearts

Hindi na talaga paaawat sa social media ngayon sa TV-host at aktres na si Toni Gonzaga matapos na naman nitong maging usap-usapan sa social media. Kung una ay nag-viral ang aktres dahil sa pagsuporta niya sa partido ni dating Senador Bongbong Marcos na hindi kandidato ng kanyang Kapamilya network. Sumunod pa nito ay ang todo suporta niya sa campaign rally ni dating Senador Bongbong kung saan siya pa mismo ang host ng naturang campaign na ito.

Kaya naman marami sa mga netizen ang hindi naging maganda ang tingin sa ginawa ni Toni marami ang bumatikos sa aktres kahit ang kanya kapwa mga artista. At ngayon naman ay mayroon na namang isyu na kinasasangkutang ang aktres matapos lumabas ang isyu tungkol sa kanya na inilabas ng isang theater actor. Ito ay ang saloobin ng naturang theater actor na ito sa ginawang hindi maganda sa kanya dati ng aktres.

Isang tweet umano ang ibinahagi ng theatre artist na si Mark Ghosn kung saan ibinahagi nito ang kanyang karanasan noong siya ay nagO-OJT pa at kay Toni siya umano natapat ng mga panahon na iyon. Dito sinabi niyang hinding hindi daw niya makakalimutan ang pangmamaliit at pambabatos na ginawa ni Toni sa kanya noon.

Sa pagkukwento ni Mark, wala daw available na intern noong mga oras na iyon at mayroon daw mall show kaya naman siya na lamang ang kinuha ng kanyang manager. Pumayag naman daw siya dahil idol niya si Toni noong mga panahon na iyon ngunit doon niya ikinabigla kung gaano daw kamaldita ang TV-host.

Aniya, kakarating lamang daw ni Toni noong mga panahong iyon kaso bad trip daw ito dahil namamawis ang kanyang kili-kili. Kaya naman binigyan ito ni Mark ng tissuie ngunit hindi man lamang daw nagpasalamat ang aktres at noong inabot na niya ang mic dito ay ibinato sa kanya ang tissue na ipinunas di-umano ni Toni sa kanyang kili-kili.

Kaya naman labis na nabigla si Mark sa pambabasto umano ng aktres sa kanya at dahil sa pangyayaring iyon ay hinding hindi niya umano daw ito nakakalimutan hanggang ngayon.

COMMENTS