Viral ngayon sa social media ang pambabastos ng isang bus driver at kundoktor sa isang babae!

Viral ngayon sa social media ang pambabastos ng isang bus driver at kundoktor sa isang babae!


Usap usapan ngayon sa social media ang isang naging facebook post ng isang babaeng binastos di-umano at hinaras ng isang driver at konduktor ng isang

Barkadang sabay-sabay gumala noon, sabay-sabay namang nagdadalang-tao ngayon.
Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!
Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.

Usap usapan ngayon sa social media ang isang naging facebook post ng isang babaeng binastos di-umano at hinaras ng isang driver at konduktor ng isang pampasaherong bus na biyaheng Cubao. Ang babaeng netizen na kinilalang si Abby Nicasio Bautista ang nagbahagi ng pangyayaring ito. Ayon kay Abby, galing siya umano ng biyaheng Guadalupe at sumakay siya ng bus biyaheng papunta ng Cubao. Pagkukwento ni Abby, pagka-upo pa lang daw niya ay tinabihan siya agad ng konduktor. Saktong pagdating ng Santolan ay bumaba ang mga pashero at doon na umano siya pinilit ng naturang driver at konduktor sa sumama sa kanila.

Dagdag pa nito, hindi rin daw siya ibinaba sa Cubao at idiniretso raw siya ng driver sa Quezon City ang biyahe. Gusto sanang humingi ng saklolo ni Abby sa pamamagitan ng pagtawag o pagtext ngunit hindi niya magawa dahil nasa tabi niya umano ang konduktor. Saad pa ni Abby, “Nanginginig nako sa sobrang takot hindi ako makapagtext o call sa kahit sino sa contacts ko dahil katabi ko sya.” “Dun narin nag-start na hawak hawakan nya ko,” dagdag ni Abby.

Pagdating nila sa QMART ay may mga pasaherong sasakay kaya tumigil ang bus, doon na nakahanap ng tyempo si Abby na humingi ng tulong sa babaeng tumabi sa kanya. Aniya pa, “Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae. Nanlaki mata nya tas nung nakarating na kami sa bababaan nya, hinawakan nya ko sa kamay tas pinauna nya ko bumaba.” Tinawag pa raw siya ng konduktor pagkababa niya ngunit hindi na siya lumingon at tumakbo na lamang papalayo habang umiiyak. Sa huli ay nagbigay ng paalala si Abby sa mga kapwa niya mga kababaihan na mag-ingat sa mga katulad ng bus driver at konduktor na kanyang nasakyang pampasaherong bus.

Narito ang kabuuang kwento ni Abby:

“6pm. Galing ako ng Guadalupe. Sumakay nalang ako ng bus since mababa potassium ko panay hagdan sa may MRT syempre mahirap humakbang mahina tuhod ko. Sumakay ako ng bus pa-Cubao. Pag upong pag-upo ko, tinabihan ako nung konduktor. Pagdating ng Santolan dun na nya ko kinausap tsaka nung driver since bumaba lahat nung pasahero. Pinipilit nila ko sumama sakanila. Dapat bababa ako sa Cubao, pero di sila tumigil don. Diniretso nila ko ng QC. At dun na nila ko pinilit sumama sakanila. Diretso daw kami ng monumento saglit lang daw. Nanginginig nako sa sobrang takot hindi ako makapagtext o call sa kahit sino sa contacts ko dahil katabi ko sya. Dun narin nag-start na hawak hawakan nya ko.

Di ako makagalaw sa takot. Dalawang lalaki yon tapos humaharurot pa yung bus. Tas sabi wag na daw ako umuwi, mas masaya daw sila kasama. To think na,16 years old yung tingin nya sakin tapos ganon sya kabastos. 7pm, nakarating na kami sa QMART. May pulis at may mga nakapila pasahero kaya no choice sila kailangan nila magpasakay. Tumayo saglit yung konduktor tapos yung babae na sumakay tumabi sakin. Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae (3rd pic). Nanlaki mata nya tas nung nakarating na kami sa bababaan nya, hinawakan nya ko sa kamay tas pinauna nya ko bumaba. (Thankyou ate kung sino ka man.) Pagbabang pagbaba ko bumaba din yung konduktor tinatawag ako. Iyak ako ng iyak pagbaba ko. Di na ko lumingon takbo nako agad makalayo lang sa bus nayon. Diko na natingnan yung plate number.

Sa mga babae jan na bumabyahe ingat po tayo kahit saan lugar. Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming manyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mataba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng manyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa”

 

 

 

COMMENTS