Arci Muñoz, binansagan ni Crsity Fermin na Michael Jackson ng Pilipinas dahil sa pagiging retokada nito!

Arci Muñoz, binansagan ni Crsity Fermin na Michael Jackson ng Pilipinas dahil sa pagiging retokada nito!


Sa pinaka-latest showbiz vlog ng batikang kolumistang si Cristy Fermin tila naging laman na naman ng kanyang segment ang TV-actress na si Arci Muñoz.

Raquel Pempengco naglabas ng hinaing sa kanyang anak na si Jake Zyrus, “Sobrang s4kit po pero hindi dahil sa pera…”
Anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian Robredo, proud na ipinagmalaki ang kanyang natapos na double major sa New York University!
Ruffa Gutierrez, itinanggi ang kumakalat na balitang siya ay nagdadalantao kay Senatorial candidate Herbert Bautista.

Sa pinaka-latest showbiz vlog ng batikang kolumistang si Cristy Fermin tila naging laman na naman ng kanyang segment ang TV-actress na si Arci Muñoz. Una munang naging laman ng usapan ang mga artistang dumaan umano sa face enhancement procedure at una nga sa kanyang listahan ay si Arci.

Ayon kay Cristy, matagal na umano niyang kilala si Arci at una pa nga raw sumikat ito sa GMA 7 nang sumali ang aktres sa ‘Starstruck’. Dito ibinahai niyang ibang iba daw talaga ang hitsura noon ni Arci.

Hindi daw kagaya ngayon na kitang kita na ang malaking pagbabago ng kanyang mukha. Kaya naman binansagan niyang Michael Jackson ng Pilipinas si Arci dahil sa malaking pagkakahawig nito sa yumaong hollywood artist.

Sinabi pa niyang talagang pinagawa lahat ni Arci ang pagpaparetoke sa kanyang ilong, bibig at cheekbone. Dagdag pa niya, mas nauna daw talagang pinagawa ni Arci ang kanyang bibig.

At dahil nga din dito naging kamukha na rin daw ni Arci si Angelina Jolie, gayunpaman sa dami nga daw ng pinagawa nito ay mukhang si ‘Matatina na.’ ang naging hitsura ni Arci. Hindi na talaga napigilan ni Cristy ang punain ang pisikal na kaanyuan ngayon ni Arci at para sa kanya nagsasabi lamang daw siya ng totoo.

Sa kabilang banda, anuman ang mukha ng mga celebrity ngayon desisyon nila ang mga pagbabagong ito sa kanilang sarili. Kaya naman hayaan natin silang bigyang laya ang kanilang mga sarili kung saan iyon ang kanilang ikakasaya.

COMMENTS