Unico hijo ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, may chance maging future heartthrob dahil sa angking kagwapuhan at karisma nito!

Unico hijo ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy, may chance maging future heartthrob dahil sa angking kagwapuhan at karisma nito!


Masaya ang TV-actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang pagiging isang single mom sa kanyang anak na si Thirdy Lacson. Si Thirdy ay nag-iisang anak lam

Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!
Maymay Entrata, bumida sa kanyang first international photoshoot para sa cover ng UAE’s Xpedition magazine.
Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!

Masaya ang TV-actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang pagiging isang single mom sa kanyang anak na si Thirdy Lacson. Si Thirdy ay nag-iisang anak lamang ni Jodi kaya naman buong pusong binubuhos ng aktres ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Samantala, mabilis lamang ang panahon kaya ang dati niyang napaka-cute na si Thirdy ay baby no more na ngayon. Binatang binata ang unico hijo ni Jodi, ang bilis ng panahon para sa aktres dahil hindi na niya magawang ibaby pa si Thirdy dahil conscious na umano ito sa kanyang pagbibinata.

Sa pagiging single mom ng aktres, ibang iba ang naging closeness at bonding nilang mag-ina. Matapos ang naging hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Panfilo Lacson Jr. mag-isa nang itinaguyod ng aktres ang kanyang anak. Kaya naman talagang sobrang malapit si Thirdy sa kanyang mommy. Makikita naman sa mga social posts ng aktres ang mga masasayang bonding pictures nila ng kanyang anak na si Thirdy. Laging travel buddy ni Jodi ang kanyang anak, sa kabilang banda kahit laging kasama ni Jodi ang kanyang anak ay mayroon na rin itong mga personal na buhay.

Sa edad na 16-taong gulang hindi ito pinagbabawalan ng aktres na magkaroon ng girlfriend. Saad pa ni Jodi, aminado siyang pinaghandaan niya ang pagkakaroon ni Thirdy ng girlfriend ang hindi lamang niya inaasahan na magiging ganoon pala kabilis ang mga pangyayari. Ika pa ng aktres sa kanyang kamakailan lamang ng vlog, “Alam ko naman na darating ‘yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy.” Dagdag pa niya, “It came as a surprise lang to me dahil parang hindi ko ini-expect na ito na, agad-agad, now na! Mas na-surprise, iyon ‘yung aking initial reaction.”

Bukod pa rito, kitang-kita rin sa mga larawan ni Thirdy ang potensyal niya na maging future heartthrob ng Philippine showbusiness. Dahil sa taglay nitong kagwapuhan at karisma ay talagang may chance na titilian siya ng mga kababaihan. Hindi maitatangi na manang mana si Thirdy sa kanyang mommy na malakas ang dating ng personality at looks.

COMMENTS