Kilalanin ang dalagang may double degree holder na sa edad na 16-taong gulang!

Kilalanin ang dalagang may double degree holder na sa edad na 16-taong gulang!


Hindi lahat ng kabataan ay gustong maitaguyod ang kanilang pag-aaral. Dahil ang bawat kabataan ngayon ay may kanya-kanyang hilig at gustong gawin sa b

Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda!
Magasawa na nagtitiis sa isang 7-peso corned beef pack pantawid-gutom noon, nakamit na ang tagumpay ngayon.
Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.

Hindi lahat ng kabataan ay gustong maitaguyod ang kanilang pag-aaral. Dahil ang bawat kabataan ngayon ay may kanya-kanyang hilig at gustong gawin sa buhya. Ngunit, naging kakaiba ang isang dalagang ito na sa murang edad ay marami na ang natutunan pagdating sa akademiya.  Kagaya na lamang ng dalagang kinilalang si Joys Annika David na hinahangaan ngayon ng mga netizens. Dahil sa kanyang nakakamanghang kakayahan kung saan sa edad na 11-taong gulang ay nagsimula na siyang mag-aral ng kolehiyo na hindi man lang siya dumaan ng sekondarya.

Si Joys ay isang Filipino-American at siya ay nakatira ngayon sa bansang California. Ang kwento ay naibahagi sa segment ng Eat Bulaga na ‘Bawal Ang Judgemental’. Saad ni Joys, “I started college at 11…I just graduated last 2020.” Samantala, hindi lang ito ang nakakamangha kay Joys dahil sa halip na isang kurso lamang ang matatapos nito sa kolehiyo ay dalawa ang kinuha niyang degree. Aniya, “I took them at the same time, so I finished at the same time.” Kaya naman sa edad na 16-taong gulang ay mayroon na siyang double degree na natapos.

Kaya naman marami talaga ang namangha sa kanya dahil tanging siya lamang ang nakita nilang estudyante na hindi na naranasan ang mag-aral sa highschool. At marami rin ang nagtaka kung paano siya na-accelerate sa kolehiyo. Sa pagbabahagi nga ni Joys hindi normal sa Amerika na mag-college ka kaagad sa edad na 11 taong gulang pa lamang dahil kasama sa curriculum nila ang pagdaan sa highschool.

Ngunit mayroong isang programa sa kanilang lugar na kapag nakapasa ka sa ibinigay na exam ay makakakuha kana agad ng highschool diploma. Kaya naman hindi nga ito pinalagpas ni Joys at sa suporta na rin ng kanyang mga magulang ay nagawa niyang makapasa dito at nagtuloy-tuloy na nga siya sa kolehiyo.

Samantala nabanggit din niya na bata palang ay goal-driven na siya kaya naman mabilis niyang nagagawa ka ang kanyang mga pangarap sa buhay. Talaga ngang napaka-amazing ng kwento ni Joys dahil ika nga niya hindi daw parang magic ang isang pangarap nararapat lang na lalakipan ito ng determinasyon at pagsisikap sa buhay.

COMMENTS