Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!

Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!


Bilang isang ina masakit sa atin ang nakakarinig tayo ng hindi maganda patungkol sa ating mga anak. Kahit sinong magulang ay papalag kung ang pagkatao

Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila Sofia Andres at kasintahan nitong si Daniel Miranda.
Hopia from ‘Going Bulilit’ looks incredibly stunning in her Prenup Shoot.
Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.

Bilang isang ina masakit sa atin ang nakakarinig tayo ng hindi maganda patungkol sa ating mga anak. Kahit sinong magulang ay papalag kung ang pagkatao ng ating mga anak na ang binabatikos. Ganito na lamang pumalag ang TV-actress na si Pokwang sa mga bashers ng kanyang anak na si Malia.

Hindi na napigilan ni Pokwang ang resbakan ang mga naturang bashers na ito. Ayon kay Pokwang labis umano siyang nasasaktan bilang isang ina kung pati ang kanyang anak ay umaani rin ng mga panlalait. Ang hinaing na ito ng aktres ay nag-ugat umano sa isang video post na kanyang ibinahagi mismo sa kanyang Instagram kung saan nakakaaliw ang mga ginagawa ng kanyang anak na si Malia.

Mapapanood sa video na sinasambit ni Malia na, “I’m smart. I’m Malia. I’m so beautiful and smart. I’m Malia.” Marami naman umano ang naaliw sa videong ito ni Malia umani pa nga ito ng maraming magagandang komento. Kung saan ang mga komento ito ay nagpapayahag ng katuwaan at pagmamahal kay Malia.

Ngunit sa kabila ng mga magagandang komentong ito mayroon talagang iisang netizen ang hindi nagpaawat sa mga maaanghang nitong panglalait sa bata. Kaya naman bilang isang ina hindi pinalampas ni Pokwang ang naturang komentong ito na hindi kalaunan ay binura rin nung mismong nanlait na netizen.

Samantala bago pa man ito nabura ay nakuhaan ito ng Pokwang ng screenshot at pinost sa kanyang Twitter account. Kung saan ito ang nakasaad sa naturang komento, “Habang lumalaki, pumapanget gaya ng nanay. Sana ‘wag mamana ugali ng nanay na panget din.”

Kaya naman isa lamang ang naging resbak ni Pokwang sa mapanglait na netizen na ito aniya, “See you in court”! Ayon pa kay Pokwang, mas maigi na raw na idaan sa aspetong legal dahil pagkatao na ng kanyang anak ang maaapektuhan.

 

COMMENTS