Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.

Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.


Nito lamang Easter Sunday April 17, 2022 ibinahagi ng TV-actress na si Camille Prats ang kanilang natapos na bagong bahay. Sa kanyang YouTube vlog na-

Anthony Taberna, pinangatawanan ang paratang na may ka-look alike raw na Korean actor.
Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.
Mariel Padilla lumipad patungong Spain kasama ang dalawang anak, iniwan ang asawang si Robin Padilla sa kabila ng pangunguna nito sa Senatorial race!

Nito lamang Easter Sunday April 17, 2022 ibinahagi ng TV-actress na si Camille Prats ang kanilang natapos na bagong bahay. Sa kanyang YouTube vlog na-itour ng aktres ang kanyang mga fans sa kanilang fully furnished na bahay. Ito ang ipinatayong bahay nila ng kanyang asawang si VY Yambao para sa kanilang pamilya.

Ang bahay na ito nila ay Camille ay inabot ng dalawang taon ang papapagawa dahil na rin sa nangyaring antala na dulot ng pandemya. Sa YouTube post ng aktres kanyang masaya at excited na ibinahagi ang natapos na nilang bagong bahay. Aniya sa kanyang post, “It’s been almost 2 years since we started build our home. Hindi naging madali dahil sa pandemic, construction restrictions change every madalas. Sa wakas! malapit na tayong lumipat! All in God’s Perfect Time :)”

At nito lamang April ay nakalipat na ang pamilya nila Camille sa bago nilang bahay. Sa YouTube vlog ng aktres, kanyang unang ipinasilip ang kanilang living area, dining area at ang kanilang kitchen area. Ayon pa kay Camille, gustong gusto niya ang malalaking bintana sa kanilang living area. Ang kanila namang dining area at kitchen area ay matatagpuan sa kabilang dulo ng silid.

Isang open floor plan ang kanilang pinili para bigyan ang espasyo ng hangin at ayaw nila ang maraming walls, at siyempre maging minimalistic ito sa pakiramdam. Gayunpaman, nag-install sila ng mga glass sliding door sa pagitan ng living area, kitchen area at dining area, upang mabago nila ang espasyo ayon sa gusto nila. Nangako naman si Camille sa kanyang mga fans na gagawa siya ng mas detalyadong vlog ng kanyang kusina para ipakita ang mga interior nito, na idinisenyo niya sa tulong ng Novacucina.

Inihayag din ni Camille na humingi siya ng tulong sa Gussy Design para sa interior design ng master bedroom. Ang kanilang master bedroom ay may comfort room na ‘en suite’ na paliguan at ang paboritong feature ni Camille sa kanilang banyo ay ang towel warmer. May napakalawak ding walk-in closet sina Camille at VJ. Siyempre si Camille ang may mas malaking bahagi ng aparador. Ang kanilang bedroom naman ay may access sa kanilang balcony na may tanawin ng kanilang kapitbahayan.

Ang kanila namang balcony ay mas malawak para sa kanilang mga bisita kung saan ito ay may mahahabang upuan may nakagalay na ceiling fan at mayroon ding nakalagay na wine at coffee cart. Hiniling ng mag-asawa sa kanilang contractor na gumawa ng isang hiwalay na pasukan sa kanilang balcony. Para kapag umakyat ang mga bisita sa hagdanan ay direktang dadalhin sila sa bahagi ng bahay kung nasaan ang mga inumin, maaaring maglibang at magpahinga.

Mayroon rin silang family room na may isang multi-purpose area para sa kanilang mga anak. At hindi rin papahuli ang kanilang guest room para sa mga kaibigan at pamilya na maaaring mag-overnight. Nagpasya si Camille at ang kanyang pamilya na manatili sa bahay kahit na nangangailangan pa ng mga ibang kagamitan ang ibang bahagi ng kanilang bahay.

Saad ni Camille, “I wanna make sure na tama yung mga pieces na mabibili ko para hindi sayang and malalaman ko lang yun once na tumira na kami dito.”

 

COMMENTS