Kilalanin si Deanna Wong ang star player ng Women’s Volleyball, ang bagong kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon!

Kilalanin si Deanna Wong ang star player ng Women’s Volleyball, ang bagong kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon!


Isa sa pinakasikat na women’s volleyball player ngayon ang star setter ng Choco Mucho na dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles ang tinitilian ngayon n

Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.
Mariel Padilla, sinagot ang isyung bakit hindi Mama ang tawag sa kanya ng mga anak ni Robin Padilla sa dati nitong asawa.
Lovely Abella, nakabili na ng bahay dahil sa pag o-online selling.

Isa sa pinakasikat na women’s volleyball player ngayon ang star setter ng Choco Mucho na dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles ang tinitilian ngayon ng mga kababaihan na si Deanna Maria Deanna Izabella Alvizo Wong. Si Deanna ay tubong Cebu City, ibang level na nga ang kasikatan ngayon volleyball player. Isang patunay na nga dito na noon lamang nakalipas na Good Friday noong April 15, 2022 napakaraming fans ni Deanna ang talagang inaabangan siya sa labas ng kanilang tahanan sa Minglanilla, Cebu. Halos hindi na makalabas ng bahay ang pamilya ni Deanna upang magsimba dahil sa dami araw-araw ng mga tao na nag-aabang sa labas ng kanilang bahay.

Ang iba pa sa kanyang mga fans ay nagmula pa sa Mindanao at ibang parte ng Visayas na alas-sais palang ng umaga na nag-aabang na. Sa isang video na ibinahagi sa social media ay makikitang kumakaway si Deanna sa kanyang mga fans. Isa pang patunay ng kanyang kasikatan ngayon ay ang kamakailan lamang niya na pagbabahagi sa kanyang Facebook account ng kanilang pagbubukas ng iba’ ibang sari-sari store ng kanilang pamilya. At dahil nga sa nag-viral ang kanyang post ay dinagsa ng kanyang mga fans ang kanilang mga store para lang makita si Deanna.

Si Deanna ay 24-taong gulang na, siya ay nagtapos ng elementarya sa Saint Theresa’s College, at high school sa University of San Jose-Recoletos. Kumuha naman siya ng AB Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University, at dito na umusbong nang todo ang kanyang karera sa paglalaro ng volleyball. Noong March 2015, ay napili si Deanna bilang bahagi ng collegiate varsity senior women’s volleyball team ng Ateneo, at opisyal na naglaro bilang rookie noong 2016.

Nagsimula siya bilang libero ng Ateneo Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament Season 79. Naging setter siya noong UAAP Season 80, kung saan itinanghal siyang Best Setter sa pagtatapos ng tournament. Nagtapos siya sa kolehiyo noong 2020, at ang husay niya sa UAAP ang naging daan para kunin siya ng Choco Mucho para maglaro sa Premier Volleyball League, na lalong nagpa-level up ng kanyang popularity. Madalas mag-trending si Deanna lalo na kapag may laro ang kanyang team sa katatapos lang na Premier Volleyball League Open Conference.

Nakaabot lang ang kanyang team sa fourth place matapos matalo ng Creamline sa semifinals. Kabilang sana siya sa Philippine women’s volleyball team para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam, pero nagkaroon siya ng shin injury. Mayroon siyang 1.2 million followers sa Instagram at talagang dinudumog din ng mga fans lalo na ng mga kababaihan ang alinmang venue kapag mayroon siyang laro. Noong April 18 lamang ay ginawaran siya ng parangal ng Local Government ng Minglanilla bilang isa sa Most Outstanding Minglanillahanon ngayong 2022.

 

 

COMMENTS