Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.

Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.


Ibinida ng madiskarteng celebrity mom na si Neri Miranda ang kanyang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo kung saan ito ay may nakakatuwang graduation

Hopia from ‘Going Bulilit’ looks incredibly stunning in her Prenup Shoot.
Derek Ramsey, may pagbabalik tanaw patungkol sa kanyang mga exe’s na sina Andrea Torres at Angelica Panganiban. Ano naman kaya ito?
Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.

Ibinida ng madiskarteng celebrity mom na si Neri Miranda ang kanyang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo kung saan ito ay may nakakatuwang graduation picture. Isa na naman itong panibagong milestones sa buhay ni Neri ang maibahagi niya ang kanyang graduation photo. Isang patunay na kailanman ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang pagiging busy mommy.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng kanyang asawa na si Chito Miranada ang magandang balitang ito. Sa post ni Neri na may caption na, “Finally.” Kumuha si Neri ng kursong Business Administration ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) noong March 2021 sa University of Baguio. Ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ay isang alternative education program para sa mga working professionals na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang hindi na dumadaan sa tradisyunal na proseso. Bukod naman sa kanyang bagong achievement ay naaliw rin ang mga netizens sa kanyang graduation picture kung saan naging photobomber ang kanyang asawang si Chito Miranda.

Nakatakda ang graduation ceremony ni Neri sa susunod na buwan ayon na rin sa anunsyo ng University of Baguio. Ngunit bago pa man natapos ni Neri ang Business Administration course sa University of Baguio ay nauna na siyang magtapos sa kursong entrepreneurship sa Harvard Business School Online.

Kaya naman umani ng pagbati si Neri mula sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ganun din sa kanyang kapwa mga artista. Katulad na lamang ng mga pagbating ito.

“Congrats atsi @mrsnerimiranda insert proud hubby at the back @chitomirandajr.”

“Congratulations Ners!!!! I’m do so so proud of you alam mo yan. Sasama talaga ako sa graduation mo ha. Nilagay ko na sa calendar ko.”

“Kahanga hanga, wais na misis. Ginalingan mo na naman. See u next week.”

 

 

 

COMMENTS