Viral ngayon ang magkapatid na ito, na sabay nagbuntis at nanganak ng kambal nang iisa lamang ang ama! Alamin.

Viral ngayon ang magkapatid na ito, na sabay nagbuntis at nanganak ng kambal nang iisa lamang ang ama! Alamin.


Masarap sa pakiramdam ang maging isang ina lalo na kung kambal ang nagiging anak at bibihira lamang ang nagkakaroon ng anak na kambal. Kaya naman masw

Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Isang Grade 12 student sa Isabela City, nakatanggap ng scholarship grant galing sa 7 iba’t ibang universities abroad at 5 naman Pilipinas!
Isang nanay ang nakatanggap ng Php500,000 mula sa kanyang pitong anak bilang regalo sa kanyang ika-77th birthday!

Masarap sa pakiramdam ang maging isang ina lalo na kung kambal ang nagiging anak at bibihira lamang ang nagkakaroon ng anak na kambal. Kaya naman maswerte kung ituring ang mga inang nagbubuntis ng kambal. Kahit na mahirap ang magkaroon ng dalawang anak na magkasabay ipinanganak ang katumbas naman nito ang kaligayahan na sa mag-asawa. Bibihira lamang sa mundo ang may kakayahan na magkaroon ng anak na kambal na kagaya ng sikat na TV personality at businessman na si Joel Cruz na gumastos ng halos 5 milyong upang magkaroon lamang ng ilang pares na mga kambal. Kaya para sa kanya ito ay isang biyaya hindi lamang basta swerte.

Samantala, kamakailan nga lamang ay naging viral sa social ang tungkol sa magkapatid na nagmula pa sa Ohio, USA na sabay na nagbuntis at nanganak ng kambal. At ang nakakagulat pa rito ay iisa lamang ang ama ng kanilang mga anak na kambal. Marami ang hindi makapaniwala sa nangyaring pagbubuntis ng magkapatid na ito lalo pa’t iisa lamang ang ama ng kanilang ipinagbubuntis. Ayon sa kwento ng isa sa magkapatid na kinilalang si Anne, sinubukan daw niya at ng kanyang asawa ang iba’t ibang paraan upang siya ay magdalangtao. Dahil sa limang taon di-umano nilang pagsasama ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak at gustong gusto na ni Anne ang maging isang ina. Ngunit dahil na rin sa hindi magandang kondisyon ng kanyang katawan ang nagiging dahilan ng lagi niyang nauudlot na pagbubuntis, na labis rin niyang ikinawalan ng pag-asa.

Ang isa naman sa magkapatid na kinilalang si Chris, ay napansin ang sitwasyon ng kanyang kapatid at labis siyang nag-aalala rito, kaya naman kinausap niya ang kanyang kapatid na si Anne na maaaring siya na lamang ang magbuntis para sa kanyang kapatid. Saad ni Chris, “I can pregnant for you”, dahil sa mga sinabi ni Chris nabuhayan muli ng loob si Anne. Kaya naman sila ay agarang sumailalim sa isang operasyon, nilagyan ng doktor ang mga egg cell ni Anne ng semilya ng kanyang asawa para makabuo ng isang embryo at nilagay ito sa uterus ng kanyang kapatid na si Chris.

Sa hindi namang inaasahang pagkakataon ay himalang nabuntis si Anne, kaya naman sabay sila ng kanyang kapatid na si Chris na nagbuntis. Nakakamangha pang parehong kambal ang kanilang ipinagbubuntis, sa paglaki ng sanggol sa kanilang mga sinapupunan ay naisipan nilang manganak sa parehong araw. Sa kabutihang palad, si Chris ay nanganak ng dalawang lalaki at si Anne naman ay nanganak ng dalawang babae. Sa matagal na kahilingan ni Anne na maging isang ina ay apat na mga batang kambal pa ang naging biyaya sa kanya. Kaya labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang kapatid at pagtitiwala niya sa Poong Maykapal na kailanman ay hindi siya sinukuan.

 

COMMENTS