Ang unica hija ni Dawn Zulueta na si Ayisha, kapansin-pansin ang kagandahan na may potensyal na maging isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz!

Ang unica hija ni Dawn Zulueta na si Ayisha, kapansin-pansin ang kagandahan na may potensyal na maging isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz!


Nagdiwang ng ika-12 taong kaarawan ang unica hija ni Dawn na si Ayisha Madlen Lagdameo noong nakaraang taon lamang. Ang napaka-cute na bata noon, ay u

Sikreto sa pagkakaroon ng long distance relationship, ibinunyag ni Yam Concepcion.
Julia Barretto, sinabing huwag munang mag-girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia!
DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya.

Nagdiwang ng ika-12 taong kaarawan ang unica hija ni Dawn na si Ayisha Madlen Lagdameo noong nakaraang taon lamang. Ang napaka-cute na bata noon, ay unti-unti ng nagiging kaakit-akit na dalaga ngayon. Kitang-kita ang pagkakahawig ni Ayisha sa kanyang mommy Dawn. Isang larawan ang ibinahagi ni Dawn sa kanyang social media kung saan makikitang talagang magkamukha sila ng kanyang anak na si Ayisha. Ang mga larawan ng batikang aktres noong 90’s ay kamukha ng kanyang anak kaya naman sila ay talagang parang pinagbiyak na bunga.

Samantala, bukod kay Ayisha mayroon pang nag-iisang anak na lalaki si Dawn sa kanya ring asawa na si Antonio Lagdameo Jr. Noon nga lamang June 22 noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ni Ayisha ang kanyang kaarawan at isang nakakaantig na mensahe ang naging pagbati sa kanya ni Dawm. Saad ni Dawn sa kanyang caption, “We wish you a birthday that is beautiful, incredible, and unique as you are. Happy 12th birthday, dearest Ayisha I love you so much… #iloveyouayisha#22june”

Bukod nga sa paghanga ng mga netizens ay nagpahatid rin sila ng pagbati para sa kaarawan ng anak ng aktres. Umani rin ng papuri si Ayisha dahil sa namumukod tanging kagandahan nito na hindi kalaunan ay may tsansang maging isa sa may pinakamagagandang mukha na artista sa showbiz. Lalo pa’t nagdadalaga na ngayon si Ayisha at hindi malayong magiging kasing ganda niya rin ang kanyang ina.

Sa kabila naman nito may nagsasabi pa rin na may kaibahan pa rin sa kagandahan ng mag-ina. Dahil si Dawn ay mistisahin habang si Ayisha naman ay may pagka-morena ang hitsura. Manang-mana pa rin naman si Ayisha sa angking kagandhan ni Dawn dahil like mother, like daughter ang datingan nilang mag-ina. Darating ang panahon na kung sakaling tahakin man ni Ayisha ang pag-aartista ay isa siya sa mga kakikiligan ng mga kalalakihan dahil sa kanyang magandang awra at look’s.

 

COMMENTS