Baron Geisler, proud na ibinahagi ang pagtatapos niya ngayon ng kursong Theology: ‘It’s never too late’

Baron Geisler, proud na ibinahagi ang pagtatapos niya ngayon ng kursong Theology: ‘It’s never too late’


Isang panibagong milestone na naman sa buhay ng TV-actor na si Baron Geisler ang kanyang napagtagumpayan. Sa kabila ng maraming kontrabersyang kanyang

Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!
Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.
Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.

Isang panibagong milestone na naman sa buhay ng TV-actor na si Baron Geisler ang kanyang napagtagumpayan. Sa kabila ng maraming kontrabersyang kanyang kinakaharap ay nalalagpasan naman ito ng aktor. Kaya naman sobrang proud siya ngayon sa kanyang sarili dahil nakamit na niya ang kanyang ultimate goal sa buhay at ito nga ay ang makapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo.

Isa itong biggest achievemen na para kay Baron, dahil sa edad na 39 taong gulang ay naitaguyod niya at natapos niya ang kursong Theology. Ipinagmamalaki ngayon ng aktor ang diplomang kanyang natanggap. Sa kanyang Instagram account, excited na ibinahagi ni Baron ang mga larawan ng kanilang graduation rites sa All Nations College sa Antipolo, Rizal.

Nito lamang April 26, 2022 naganap ang graduation ceremony na ito ayon pa sa kanyang caption, “It’s never too late.” Dagdag pa niya, “My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” Bukod pa sa kanyang Instagram account, ay nag-post din si Baron sa kanyang IG stories ng isang mensahe bilang pasasalamat sa kanyang mentor na pinangalanan niyang Doc Eph. Ayon sa kanya, ito raw ang tumulong at gumabay sa kanya habang nagpupursige siya sa kanyang pag-aaral hanggang sa makuha ang kanyang pinakaaasam na college diploma.

Aniya, “2019 tayo nag-start at eto na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.” Samantala, marami naman sa mga netizens ang nakapansin na wala sa kanyang graduation pictures ang kanyang asawa na si Jamie at anak nilang si Talitha Cumi. Matatandaan kasi na kamakailan lamang ay nagkaroon ng isyu ang mag-asawa na naging usap-usapan pa sa social media. Dito ay inamin ng aktor ang problema niyang pagiging alcoholic matapos itong ibuking ng kanyang asawa.

Pahayag naman ni Baron, “I am learning to live life on life’s terms. I’m doing service in our community. I work out every day. I have to cook dinner on Thursdays and clean the yard and garden and look after four dogs. I am still actively working to provide for my family.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw. I pray for Jamie every day and ask the Lord’s grace for me as I work on my program.”

Marami naman sa kanyang kapwa mga celebrities ang bumati sa kanya, tulad na lamang nila Janno Gibbs, Princess Punzalan at marami pang iba. Pati rin ang mga netizens ay hindi rin siya kinalimutang batiin at naging proud din naman ang kanyang mga tagahanga sa kanyang nakamit na tagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

COMMENTS