Kuya Kim Atienza at asawa nitong si Felicia Atienza, ibinahagi ang kanilang pagiging physically fit na kitang-kita sa kanilang mga abs.

Kuya Kim Atienza at asawa nitong si Felicia Atienza, ibinahagi ang kanilang pagiging physically fit na kitang-kita sa kanilang mga abs.


Kilalang-kilala sa showbiz ang TV personality at host na si Kuya Kim Atienza at ang kanyang asawang si Felicia Atienza. Sa kabila ng kanilang pagiging

Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.
Korina Sanchez, proud sa kanyang kas3ksihan at age of 57 look’s young and w1ld tila hindi nagkaka-edad!
Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!

Kilalang-kilala sa showbiz ang TV personality at host na si Kuya Kim Atienza at ang kanyang asawang si Felicia Atienza. Sa kabila ng kanilang pagiging busy sa kanilang mga career ay nagagawa pa rin ng mag-asawa ang magbigay ng oras para sa kanilang kalusugan. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang naging summer get-away sa isla ng Palawan. Sa parehong Instagram account ng mag-asawa, ibinahagi nila ang kanilang naging masayang trip kasama ang kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan nito lamang Easter Sunday.

Ani ni Kuya Kim sa kanyang post, “Today, Christ has risen! Happy Easter from the Atienzas!” “Ok now, the mandatory abs shots from the 55 and 53 year old tito and tita. Health is a blessing! Salamat Lord!”  Mapapansin naman sa kanilang mga ibinahaging mga larawan ang kanilang pagiging physically fit na kitang-kita naman talaga sa kanilang mga abs. Sa edad na 55 at 53, sinong mag-aakalang na ganito kaganda ang kanilang pangangatawan.

Matatandan na maliban sa pagiging celebrity host isa ring triathlete si Kuya Kim at madalas ang kanyang mga activities kagaya na lamang ng swimming, biking at running. Dahil na rin sa nangyaring community quarantine nag-decide umano si Kuya Kim na gumawa ng tinatawag na “runvangelism” kung saan ito ay ang kumbinasyon ng pagtakbo at evangelism. Saad pa ni Kuya Kim, “I share the Bible, I share the word, I make it inspirational para I have a reason to run.” Bukod sa paglangoy ng dalawang beses sa isang linggo, itinuturing din ni Kuya Kim tuwing araw ng Huwebes ang mag-bisikleta tuwing papasok siya ng trabaho at kahit saan man siya magpunta. Pagbabahagi niya, “I ride my bicycle wherever I have to go that day.”

Samantalang kanyang asawa naman na si Felicia, ay madalas nagwowork-out sa gym anim na beses sa isang linggo. Sabi pa ni Kuya Kim, “She does a lot of bodyweight exercises, she uses weights also and machines. She has a personal trainer.” Ayon pa kay Kuya Kim mahilig daw talaga sila ng kanyang asawa na gumawa ng mga physical activities kasama ang kanilang mga anak, kagaya na lamang ng mga diving, boxing, skiing, golfing, lifting weights, running, baseball, at iba’t ibang uri ng sports.

Ika ni Kuya Kim, “We encourage our kids to do sports and live a healthy lifestyle as well.” Sinasamahan rin nila ng proper diet ang kanilang pag-eexercise kung saan sila nga ay mga ‘smart eaters’ kung maituturing. Dagdag pa ni Kuya Kim, para umano sa mga gustong simulan ang kanilang fitness journey para sa kanilang sariling kalusugan, sinabi ni Kuya Kim ang kahalagahan na gawin itong sustainable na gawain.

“Do something that you like to do. If you like bicycles, then get into cycling. If you like swimming, then get into swimming. But it has to be sustainable.”

“’No pain, no gain’ doesn’t work anymore. I don’t believe in it. It has to be sustainable and it has to be enjoyable. It has to be something that you can integrate into your lifestyle, and it has to be something you can do regularly—although with effort, but also with pleasure.”

 

 

 

 

 

COMMENTS