Isang babaeng sakay ng eroplano ang biglang nanganak at napag-alaman pang hindi niya alam umano na siya ay nagdadalantao!

Isang babaeng sakay ng eroplano ang biglang nanganak at napag-alaman pang hindi niya alam umano na siya ay nagdadalantao!


Ayon sa mga pag-aaral ang pagbubuntis ng isang babae ay isang mahirap na kalagayan ang unang tatlong buwan ay ang pinakamahirap dahil ito ang buwan ku

Kim Chiu and Xian Lim aid to spread awareness for Myanmar coup in response to fans’ request.
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.
Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba?

Ayon sa mga pag-aaral ang pagbubuntis ng isang babae ay isang mahirap na kalagayan ang unang tatlong buwan ay ang pinakamahirap dahil ito ang buwan kung saan sila ay naglilihi at maraming nararamdaman sa kanilang katawan. Subalit mayroon din umanong mga babaeng wala man lang nararamdaman sa kanilang katawan. Tulad na lamang ng isang babaeng ito na bigla na lamang nanganak habang nakasakay sa isang eroplano. Ayon pa sa babae hindi daw niya alam na siya ay nagdadalantao. Mabuti na lamang ay naging ligtas ang kalagayan ng babae at ng kanyang anak dahil may nakasakay ang naturang eroplano ng isang doktor at tatlong nurse kung saan ito ang tumulong sa kanya upang siya mapa-anak.

Ang eroplanong ito ay papuntang Honolulu, Hawaii at kinilala ang babae na si Lavinia Mounga mula sa Salt Lake City, Utah. Pinangalanan naman niya ang kanyang sanggol ng Raymond. Ayon pa sa ulat ng Hawaii Pacific Health, nasa 29 weeks pa lamang ang ipinagbubuntis ni Lavinia nang ito ay manganak. Nakilala naman ang doktor na tumulong kay Lavinia na si Dr. Dale Glenn at ang tatlong nurse naman ay sina Lani Bamfield, Mimi Ho at Amanda Beeding. Samantala, dahil naman sa kakulangan sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbîlîcal c0rd ng baby at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigyan ng init ang katawan ng naturang baby.

Gumamit rin ang doktor ng isang relo para ma-measure ang heart rate ng sanggol, naging stable naman ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras hanggang makarating sila sa airport. Ayon pa kay Dr. Glenn, “The emergency personnel took “great care” of the baby upon arriving in Hawaii.” Para naman kay Lavinia, ma-swerte siya dahil mayroong mga medical expert siyang nakasabay sa eroplano. Aniya, “The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us.”

Samantala, ang bata ay mananatili sa isang hospital sa Hawaii hanggang sa pwede na itong mailabas.

COMMENTS